Jimmy Butler at Bam Adebayo aminado na nagkamali ang Heat sa Game 5 laban sa Knicks.
Aminado nga itong sina Jimmy Butler at Bam Adebayo ng Miami Heat, na maraming mga maling bagay ang nangyari sa pagkatalo nila sa Game 5 laban sa New York Knicks.
Gayun pa man, nauunawaan daw nila kung ano ang nararapat nilang gawin upang maisara na ang serye.
Matapos nga na matalo sila sa score na 112-103 sa Knicks, inamin ni Butler na ang New York Knicks daw ang higit na naglaro na may pangangailangan kaysa sa kanila.
At isa pa raw na nakatulong sa Knicks upang makuha ang panalo ay dahil sa ang mga tira raw ng Knicks ay pumapasok at ang sa kanila raw ay hindi.
Sa katapusan, ang mga bata ni Eric Spoelstra ay wala nang ibang sisisihin pa kundi ang kanilang mga sarili sa pagkatalo nilang iyon.
Binigyang diin din ni Butler na kailangan na nilang kumilos ng madalian at ilipat na ang kanilang focus sa Game 6.
May pagkakataon na silang isara ang serye sa kanilang tahanan, kaya ang gusto niya na ang kanilang koponan ay magfocus na sa kanilang layunin.
Babalik daw sila sa kanilang tahanan at kailangan daw nilang protektahan iyon, ang sabi ni Butler.
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Adebayo ang kaniyang naging obserbasyon kung papaano na ang Knicks ay nagsamantala sa mga loose balls.
Dahil na rin sa kagustuhan ng Knicks na manalo, gaya nga ng sinabi ni Butler, ang Knicks ay talaga namang kinuha ang lahat ng pagkakataon na sila ay makaiskor.
Kagaya na lang ni Jalen Brunson na nagkaroon ng 38 points, na silang dalawa ni Quentin Grimes ay naglaro ng buong 48 minutes sa laban.
Mas kakaunti man ang itinira at naipasok ng New York laban sa Miami, pero ang pag-atake naman sa basket ay hindi nila tinantanan, kaya naman nagkaroon sila ng maraming free throws.
Ang Knicks ay nagkaroon ng 29-of-40 sa free throw, habang ang Heat naman ay nagkaroon lamang ng 16-of-19 mula doon.
Kaya kailangan talaga ng Miami Heat na maglaro ng mas mahusay sa Game 6, kung ayaw nila na madala pa ng Knicks ang serye sa Game 7.
At sina Butler at Adebayo ay hindi pupwedeng umiskor ng mababa sa 20 points, lalo na sa isang koponan na punong-puno ng motivation gaya ng Knicks, na marami ring dahilan na mailalabas nila ang lahat nilang magagawa sa isang laban.
Ang Game 6 sa pagitan ng Heat at ng Knicks ay magaganap sa darating na Sabado, May 13, 7:30 ng umaga, Pinas time.
Para sa inyo, maprotektahan nga kaya ng Heat ang kanilang tahanan, gaya ng sinabi ni Butler, 'o madala pa ng Knicks ang serye sa Game 7?
Ano sa tingin ninyo ang may mataas na tyansa na mangyari?
Comments
Post a Comment