Ito raw ang magandang trade para kay Jordan Poole ayon sa The Atlethic.
Nakuha nga ng Golden State Warriors ang kanilang apat na kampeonato dahil sa kanilang Big 3 at sa kanilang head coach na si Steve Kerr, mga idol.
At ang nagchampion nung nakaraang taon ay ibang-iba sa naging roster nila nitong season, mas marami sa kanilang roster ay mga batang players.
Isa sa magandang parte ng kanilang roster ay si Jordan Poole, at siya ay naging phenomenal sa tatlong naunang rounds ng 2022 NBA Playoffs.
Kaya naman tumaas ang kontrata ni Poole at binigyan siya ng Warriors ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $140 miilion, mga idol.
At magsisimula na ngang gumana ang kontrata ni Poole sa susunod na season, at mukhang nagkamali ang Warriors sa ginawa nila dahil hindi naging maganda ang inilaro ni Poole sa taong 2023, at bumagsak na rin ang kaniyang trade value.
At ang guaranteed contract na iyon ay nagdala sa Warriors upang malimitahan ang kanilang pagkilos sa offseason.
Pero may isang hypothetical trade daw na pupwedeng maganap sa pagitan ng Warriors at ng Houston Rockets na inihain ng The Athletic, mga idol.
Matatanggap ng Rockets ay sina Jordan Poole at Jonathan Kuminga, at matatanggap naman ng Warriors ay sina Kevin Porter Jr., Jae'Sean Tate, K.J. Martin, 2023 no.4 pick, at mga first round picks sa taong 2025 at 2027.
Para sa prespective daw ng Rockets, ang mga starting backcourt nina Kevin Porter Jr. at Jalen Green ay hindi raw umuubra.
Ang dalawa raw kasi ay may mentality na shoot-first dahil magagaling naman talaga silang scorer, pero hindi sila maituturing na mga floor general, mga idol.
May mga naging issues din itong si Porter Jr. sa labas ng court, kaya bakit hindi gugustuhin ng Rockets na kunin ang pagkakataon na maidagdag sa kanila ang isang talented na si Jordan Poole.
Mababa na rin naman ang trade value ni Porter Jr. kaya pwede nang sunggaban ng Rockets ang pagkakataon, lalo na at may cap space sila upang maabsorb ang sweldo ni Jordan Poole.
Kumpara sa Warriors na marami nang committed money sa kanilang payroll, mga idol, ang Houston ay pwedeng kunin ang calculated risk ng apat na taon na deal ni Poole.
Isa pa, magkakaroon din ng pagkakataon na makapagdagdag ang Rockets sa kanila ng isa pang talented na forward sa katauhan n Jonathan Kuminga.
Wala na rin kasing kakayahan ang Warriors na bayaran pa si Kuminga, kaya mas makakabuti na ipamigay na lang nila siya.
Palagi ngang kini-criticized itong sina Poole at Kuminga dahil sa kanilang basketball IQ, mga idol, pero baka sa pagkuha ng Rockets sa dating head coach ng Boston Celtics na si Ime Udoka, ay baka magawan ng paraan ang mga kakulangan na iyon para sa Rockets.
At para naman daw sa prespective ng Warriors, wala na ngang duda na ang naging insidente sa pagitan nina Draymond Green at Jordan Poole nu'ng training camp ay lubhang nakaapekto sa vibes ng locker room ng Warriors.
At isa pa, ang pagbaba ng production ni Poole sa kanilang kampanya ngayong taon ay senyales na, na panahon na para ihiwalay na nila sa kanila si Poole at magdagdag na lang ng mga players na talagang aangkop para sa kanila.
At sa nasabing trade proposal, mga idol, ang pagsama kay Kevin Porter Jr. ay medyo alanganin, dahil mukhang hindi raw siya aangkop para sa sistema ng Warriors.
Pero sina Jae'Sean Tate at K.J. Martin ay parehong magagaling na atleta na pupwede pang kuminang sa anomang sistema, kahit na ba hindi naman ganoon talaga kagaling ang kanilang mga talento.
Kulang nga ang Warriors sa katawan at sa mga handa na gumawa ng mga dirty work, at ng mga athletic forwards at mga bigs na kayang rumibound at dumipensa, kaya aangkop talaga sa kanila itong sina Tate at Martin.
Para daw maging successful ang trade na ito, mga idol, dapat daw na makumbinse nila ang Golden State na ang fourth pick sa darating na 2023 NBA Draft ay makakapag-ambag para sa kanilang championship aspirations.
Isa dapat sa kambal na Thompson o kay Jarace Walker ay makapag-ambag ng malaki kaysa kina Jordan Poole at Jonathan Kuminga, upang magkaroon daw ng kabuluhan ang trade na ito para sa Golden State.
At ang dalawang future draft assests ng 2025 at 2027 ay hindi naman daw magbebenift sa kasalukuyang pag-ulit ng Warriors, kaya hindi raw magiging dahilan iyon kung bakit ang trade na ito ay hindi maitulak.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
Comments
Post a Comment