Ito raw ang dahilan kung bakit natalo ang Suns sa Nuggets ayon kay Magic Johnson.
Ang Los Angeles legend na si Magic Johnson ay kilala sa pagpupunto ng mga halatang bagay at ito ay ipinahahayag niya sa kaniyang Twitter account, at ngayon nga ay may ipinahayag siya patungkol sa kung bakit hirap makuha ng Phoenix Suns ang panalo laban sa Denver Nuggets.
Kapag hindi raw binago ng Suns ang kanilang bilis na inilalaro nila ngayon sa ikalawang round, hindi raw sila mananalo sa Nuggets.
Matapos nga na matalo ang Suns sa Game 1 sa score na 125-107, tinalo muli sila sa Game 2 ng Nuggets sa score na 97-87, sa pangunguna ng 39 points ni Nikola Jokic.
Ipinunto rin ni Magic Johnson na ang ginagawa raw na depensa ng Denver laban sa Phoenix, ay ang nagdadala raw sa Suns upang mailaro nila ang isang laro na hindi talaga makakakuha ng panalo.
Mas nagiging epektibo raw kasi ang Suns kapag sila ay tumatakbo at naglalaro sa fastbreak, at sa pagkatalo nila sa Game 2, sila ay nagkaroon lamang ng 11-fastbreak points.
Tinalo rin ng Denver ang Phoenix sa pagpuntos sa loob, ang Nuggets ay nagkaroon ng 48 points sa paint, samantalang ang Suns ay nagkaroon lamang ng 30 points.
Mababa rin ang naging possessions ng Suns sa Game 2, sapagka't sila ay nagkaroon lamang ng 93 possessions, mababa sa kanilang average possession na 98.83 possessions n'ung regular season.
Ngayong playoffs, ang Phoenix ay nagra-rank na pangsampu sa 16 teams pagdating sa bilis, na ngayon nga ay nagagawang mapigilan ng Nuggets dahil sa kanilang pagdepensa.
Ang kakulangan ng ambag ng bench ng Suns, na nagkaroon lamang ng 4 points, at medyo pangit na shooting ni Kevin Durant, na naisablay niya ang labing pito sa 27 field-goal attempts niya sa Game 2, ang naging sanhi upang hindi sila makasilo ng panalo sa balwarte ng Denver.
At halos ang scoring lamang ni Devin Booker ang nagiging dahilan upang makalaban sila kahit papaano sa Denver, siya ay nagtapos na may 35 points sa Game 2, at 40% ng scoring ng Suns ay galing sa kaniya.
Nagawa pang maikubli ng depensa ng Denver ang pangit na shooting ni Jamal Murray, na nagkaroon lamang ng 10 points sa kaniyang 15 field-goal attempts, at binuhat nga ni Jokic ang Denver sa kaniyang 39 points, 16 rebounds, 5 assists, 2 steals at 1 block.
Ang Suns ay nahaharap na naman sa isang malaking problema, dahil si Chris Paul ay nagkaroon ng injury n'ung Game 2, groin injury, kaya naman maaga niyang nilisan ang laban n'ung Game 2, at may ulat pa na baka hindi siya makapaglaro ng ilang mga games, problema talaga ito para sa koponann ng Phoenix Suns.
Ang Game 3 ay magaganap na sa tahanan ng Phoenix, at ito ay sa darating na Sabado, May 6, alas diyes ng umaga, Pinas time.
Comments
Post a Comment