Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na matutuloy si Kyrie Irving sa Lakers kapalit ni D’Angelo Russell.
Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na matutuloy si Kyrie Irving sa Lakers kapalit ni D’Angelo Russell.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni D’Angelo Russell matapos ang kontrobersiyal niyang paglalaro mula sa bench sa Game 4 laban sa Nuggets.
Kinailangan nga ni Los Angeles Lakers head coach Darvin Ham ang isang boost patungo sa Game 4 ng Western Conference Finals nang sila ay malubog sa 3-0 na kalamangan ng Denver Nuggets sa kanilang serye, mga KaDribol.
Kaya ang ginawa niyang starter ay si Rui Hachimura at pinalitan niya bilang starter si D'Angelo Russell.
At sa parte ni Russell, siya ay palaging starter sa kaniyang career, at kauna-unahan nga na siya ay naglaro mula sa bench nu'ng Game 4 laban sa Nuggets magbuhat ng mapunta siya sa Lakers.
Hindi nga magandang sitwasyon iyon para kay Russell, pero alam niya na kailangan niyang magsakripisyo para sa ikabubuti ng kanilang koponan, mga KaDribol.
Mahirap daw iyon para sa kaniya, ang sabi ni Russell, mahirap daw na pumayag sa ganoon.
Pero sa maigsing panahon raw na ikaw ay huwag maging panggambala sa iyong mga kakampi at sa lahat na naghahanda na gaya niya, upang makuha ang isang layunin na manalo, kailangan niya raw maging professional doon, pagpapatuloy pa ni Russell.
Hindi ka raw dapat maging panggambala sa punto na iyon ng season, parang ganoon daw iyon, kaya ganoon daw niya hinarap iyon, mga KaDribol.
Gusto raw niyang maging professional at subukan na makapagdomina ng kaniyang minuto kapag may minuto na, na para sa kaniya, at sa huli, hindi naman na raw mahalaga iyon, dagdag pa ni Russell.
Sa kabila ng ginawa na iyon ng Lakers ay nagawa pa rin silang walisin ng Nuggets sa West Finals.
At wala rin sigurong magiging epekto para sa kinalabasan ng kanilang laban kung nanggaling man mula sa bench itong si D'Lo o naglaro siya bilang starter.
Dahil dinomina pa rin sila ng Nuggets sa final game ng kanilang serye, at sa kabuoan na rin ng serye.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol.
At para naman sa dahilan kung bakit hindi na matutuloy si Kyrie Irving sa Lakers kapalit ni D’Angelo Russell.
Pinatay na nga ang mga usap-usapan ng pagpunta ni Kyrie Irving sa Los Angeles Lakers.
Bago pa man magsimula ang postseason, may naging usap-usapan na ng pagsasama muli nina Irving at LeBron James sa Lakers, at maigting nga raw na isinusulong ng Lakers ang pagtrade kay Irving, mga KaDribol.
At pagkatapos nga ng season ng Lakers sa West Finals, biglang nag-iba na ang usap-usapan, dahil iniulat nga ni Marc Stein na malabo na raw ang pagpunta ni Irving sa Lakers.
Sinabi ni Stein na ayon daw sa isang source, hindi raw interesado ang Dallas Mavericks sa isang sign-and-trade ng Lakers na kinasasangkutan ni D'Angelo Russell.
At matapos ng nakita nila sa kanilang roster ngayong offseason, hindi raw pangunahing priority ng Lakers ang pagkuha pa ng isang ball-handler, mga KaDribol.
Dahil napupunuan naman daw ni Austin Reaves ang pagkukulang doon, kapag itong si LeBron James daw ay nasa bench.
At dahil si Reaves ay nahahanda na para sa isang malaking extension, hindi na talaga kukuha pa ang Lakers ng isa pang ball-handler na kailangan ding bigyan ng malaking extension, kahit na ba ito ay mangahulugan pa ng pag-tanggal nila sa nag-istruggle na si Russell.
At para naman sa Maveriks, gusto pa rin naman daw nila na manatili sa kanila itong si Irving.
At kahit na ba na hindi raw humiling ng trade si Irving, ang kanilang koponan ay hindi raw tutulong na mapadali ang isang sign-and-trade, mga KaDribol.
Susugal pa rin daw ng Mavericks dito kay Irving, at kung ito man ay magandang ideya o hindi ay ibang katanungan na raw iyon, pero doon na sila patungo.
At isa pa, may ibang mga isyu ang dapat na harapin ng Lakers bago isipin ang patungkol kay Irving, isa na nga rito ay ang kakulangan nila ng back-up big man kaya nahirapan sila sa Denver.
At ang patakbuhin daw muli ang kanilang koponan na may Austin Reaves, LeBron James at Anthony Davis na mas may mabuti nang crew ay ang tama raw na direksiyon.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol.
Comments
Post a Comment