Ito ang sinabi ni Tristan Thompson patungkol sa rumors na magreretiro na raw itong si LeBron James.



Ito ang sinabi ni Tristan Thompson patungkol sa rumors na magreretiro na raw itong si LeBron James.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi na ito ni Malik Beasley na isang babala sa NBA, matapos na mawalis ang Lakers sa West Finals.

Nawalis nga ang Los Angeles Lakers sa West Finals ng Denver Nuggets, mga KaDribol, matapos na magkaroon sila ng dalawang pagkapanalo sa mga serye na walang homecourt advantage, ay nagtapos na nga sa Nuggets ang takbuhin nila sa playoffs.


Isang magandang istorya ito para sa isang koponan na nagsimula sa season na may 2-10 na record, at gumawa ng ilang mga trades sa trade deadline upang mapalakas ang kanilang koponan pagkatapos ng All-Star break.

Habang ang mga tao ay pinag-uusapan na ang postensiyal na pagreretiro ni LeBron, si Malik Beasley naman ay naniniwala na ang kanilang koponan ay nasa mabuting kalagayan pa rin ng pagkakabuo upang manalo ng kampeonato.


Si Malik Beasley nga ay napasama sa Lakers nu'ng trade deadline at naniniwala siya na kapag sila ay nagkaroon ng buong pagsasanay sa kampo, ang koponan nila ay maayos na, mga KaDribol.

Dagdag pa ni Beasley, na ang Lakers ay mahirap talunin sa isang seven-game series kung taglay nila ang karanasan at nakapag-ensayo sila sa kampo ng sama-sama.

Napasama nga si Beasley sa Lakers, kasama si Jarred Vanderbilt sa isang three team trade na nagdala din kay D'Angelo Russell na mabalik sa Lakers.


Kaalinsunod ng All-Star Break, ang Lakers ay nagkaroon ng 16-7 na record at biglang umakyat sa West standings upang makaabot sila sa play-in tournament, mga KaDribol.

Kaya hindi nga malayong mangyari na kung ang roster ng Lakers ngayon ay nabuo na bago pa man nagsimula ang season, malamang mas maganda pa doon ang kanilang ipinagtapos na record sa West standings.

Mula ng napasama si Beasley sa Lakers, siya ay nag-average ng 11.1 points per game, 3.3 rebounds at 1.2 assists, 39.2% shooting mula sa field, 35.3% mula sa 3-point line at 61.9% naman mula sa free throw line.


Inasahan nga na si Beasley ay magiging isang tuloy-tuloy na banta ng Lakers pagdating sa shooting, pero hindi ganoon ang nangyari, kaya nawala sa kaniya ang pagiging starter at tuluyan na nga rin siyang nawala sa rotation sa playoffs.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol.

At patungkol naman sa sinabi ni Tristan Thompson patungkol sa rumors na magreretiro na raw itong si LeBron James.


Sa kabila ng ginawang pagpupursigi ni LeBron James, mga KaDribol, ang Los Angeles Lakers ay natalo pa rin laban sa Denver Nuggets sa Game 4 ng Western Conference Finals.

Sa ikatlong beses ng kaniyang career, nakaranas na nga ngayon si LeBron na mawalis sa playoffs.

Isang nakakalungkot na eksena iyon para kay LeBron at sa mga fans ng Lakers na pihadong mananatili sa mga sumusuporta sa Lakers, at ganoon din naman kay LeBron.


Pagkatapos ng game, mga KaDribol, natanong itong si Tristan Thompson patungkol sa mga rumors na kumakalat sa posibleng pagreretiro na ni LeBron pagkatapos ng pagkatalo na ito ng Lakers.

Natawa lang si Thompson sa katanungan na iyon at sinagot iyon na nagsasabi, na si LeBron daw ay isa sa mga pinakamalaking katunggali na nakilala niya, at hindi raw siya makakapagsalita ng patungkol kay LeBron, pero si LeBron daw ay isang katunggali.

Sinusubukan dito ni Tristan Thompson na maging misteryoso sa pagrespeto niya kay LeBron, pero siya ay sigurado na hindi pa magreretiro itong si LeBron.


Naging magkakampi nga itong sina LeBron at Thompson sa Cleveland Cavaliers, mga KaDribol, kaya malamang may nalalaman din itong si Thompson kahit papaano sa mga plano ni LeBron sa hinaharap.

At isa pa na mahalaga dito at dapat nating mapansin na nakapagbigay itong si Thompson sa Lakers ng ilang kalidad na minuto sa Game 4.

Nagtapos siya na nakapaglaro na may series-high 10 minutes mula sa bench, at nagkaroon ng 4 points at isang rebound.


Pero hindi pa rin naging sapat na tulong iyon, at nasaksihan nga ni Thompson na makaranas ang kanilang koponan ng pagkawalis sa kanila mismong tahanan.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.