Ito ang sinabi ni Steve Kerr patungkol kay Moses Moody.
Ang Golden State Warriors ay nahaharap ngayon sa pagsasa-ayos ng kanilang koponan, mga idol.
Naitrade na nga nila si James Wiseman, at si Jonathan Kuminga naman ay biglang nawala sa rotation ni Steve Kerr nu'ng playoffs.
Maging ang future ni Jordan Poole sa Warriors ay medyo nalalagay na nga sa alanganin, at si Moses Moody ay isa rin sa mga player ng Warriors na tinututukukan nila, kung karapat-dapat pa ba siya na manatili sa kanila o hindi na.
Para kay Steve Kerr, mga idol, si Moody ay may naging magagandang sandali para sa Warriors nu'ng nakaraang taon, maging nu'ng laban daw nila sa playoffs laban sa Dallas Mavericks, may magaganda raw na inilaro itong si Moody.
Napapahanga raw sila ni Moody pagdating sa maturity nito at prespektibo, pero ngayong taon daw, hindi raw naging confident si Moody sa kalagitnaan ng season, gaya kung papaano siya naging confident nu'ng nakaraang taon.
Hindi raw mahanap ni Moody ang kaniyang rhythm sa laro, kaya naging labas-masok siya sa rotation ni Steve Kerr.
Si Moody ay nagsilbing malalim na bench player sa halos kabuoan ng regular season para sa Warriors, mga idol, at ginagamit siya ni coach Kerr kapag kinakailangan, panakip kapag may na injury sa kanila o kaya ay merong player na hindi gumagana.
Kung minsan naman ay kapag naghahanap ng sagot itong si Kerr habang nasa game, pinaiikot niya ang kaniyang mga players upang makita ang mga tamang kumbinasyon.
Si Moody ay naglaro din sa playoffs mula sa bench ng 14 minutes o higit pa, at ilang beses din siyang ginamit ni Kerr bilang kasama sa closer nila.
Nang matapos na nga ang pangarap ng Warriors na makuha ang back-to-back titles ng talunin sila ng Los Angeles Lakers sa West Semifinals, mga idol, nagkaroon naman itong si Moody ng maraming points sa seryeng iyon at maraming rebounds kaysa sa 82 games nu'ng regular season.
At magandang progreso ito na nakita ng mga coaches ng Warriors dito kay Moody, at lalo na raw doon sa nakita nila na hindi natin nakikitang madalas.
Nakikita rin daw kasi nina Steve Kerr ang kanilang mga players araw-araw sa practice, at ang development ay hindi lang daw nangyayari kapag sila ay lumalaban, kundi nangyayari rin sa kanilang pagpapractice araw-araw.
At maganda raw ang ipinakita ni Moody sa bandang dulo ng season, sa kanilang mga pick up games, sa 3-on-3 at sa mga individual workouts, mga idol.
Napagtanto na raw ni Moody kung papaano gagamitin ang kaniyang lakas, kung papaano na kailangan niyang maglaro ng matindi, kung papaano na siya ay magpursigi na makakuha ng mga loose balls at mga rebounds, na ang naging resulta ng mga iyon ay nakita na nga sa kaniyang paglalaro.
Iyon daw ang mga naging dahilan kung bakit nabalik siya sa rotation nu'ng playoffs, handa na siyang habulin ang mga loose balls, kumukuha ng mga offensive rebounds at naipapasok na ang kaniyang mga tira.
Kaya maganda raw ang naipakitang paglalaro ni Moody sa pagtatapos ng season para sa Warriors at iyon daw ang tinitignan nila, mga idol.
Tinitignan daw nila kung sino ang may tiyaga at nanatili doon, at patuloy na pinagbubuti ang kanilang paglalaro, pero hindi raw nila nalalaman kung gaano ang itatagal ng prosesong iyon.
Ngayon marami nang katanungan ang nakapaligid sa Warriors habang papalapit na ang summer, at mataas nga ang tyansa na si Moody ay mananatili pa rin sa kanila sa pagbubukas ng 2023-2024 season.
Hindi naman na siguro kataka-taka pa iyon dahil sa maganda naman ang naipakita niyang paglalaro bago sila nagtapos ngayong season, mga idol, lalo na ngayon at nalalaman na ni Moody kung papaano maging isa sa maasahan na manlalaro sa NBA, na nakakapagbigay ng epekto sa kanilang koponan.
Ano ang masasabi niyo rito?
Comments
Post a Comment