Ito ang sinabi ni Stephen A. Smith kay LeBron James matapos na matalo ang Lakers sa Game 2 laban sa Nuggets.



Mayroon ngang ipinadalang mensahe itong si Stephen A. Smith para kay LeBron James, at ito ay ang pagsasabi na dapat daw na layuan na ni LeBron ang pagtira sa tres.

Kailangan daw gamitin ni LeBron ang kaniyang katawan sa lahat ng pagkakataon, at itigil na niya ang pagtira ng tres.

Nasabi ito ni Smith matapos na mahirapan si LeBron sa fourth quarter sa naging laban ng Los Angeles Lakers sa Game 2 laban sa Denver Nuggets, lalo na doon sa may arko.


Sa kabuoan, si LeBron ay walang naipasok sa anim na pagpukol niya sa tres, habang ang Lakers ay nagkaroon ng napakababang 26.7 three-point percentage sa naging laban nila n'ung Biyernes.

Natalo ang Lakers sa Nuggets sa Game 2 ng West Finals sa score na 108-103, at ngayon nga ay hawak na ng Nuggets ang 2-0 na kalamangan sa serye laban sa Lakers.

At dahil sa nalalagay na sa alanganin ang Lakers, naniniwala itong si Smith na panahon na upang itigil na ni LeBron ang pagtira niya sa tres.


Hindi nga raw kasi kilala naman itong si LeBron bilang magaling na 3-point shooter, at mas makakatulong daw siya para sa Lakers kung ilalapit niya sa basket ang kaniyang mga tira.

Pero kahit na ganoon ang nangyari, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa itong si LeBron, dahil paunahan naman daw ito kung sino ang unang makakakuha ng apat na panalo, ang sabi ni LeBron.

May pagkakataon daw sila sa kanilang balwarte at maglalaro raw sila ng isang mahusay na basketball sa kanilang tahanan.


Hanggang hindi pa raw sila natatalo ng apat na beses, palagi raw may pagkakataon pa na sila ang makakuha n'un, at iyon daw ang kumpiyansa na dapat taglay nila, pagpapatuloy pa ni LeBron.

Ngayon, abangan na lang natin kung lilmitahan na ni LeBron ang pagtira niya sa tres sa Game 3, sa darating na Linggo, May 21, 8:30 ng umaga, Pinas time.

Hindi sana natalo ang Lakers n'ung Biyernes, kung kahit papaano ay may naipasok si LeBron sa anim na itinira niya sa tres, pero wala nga siyang naipasok.


At sa darating na Linggo, may pagkakataon siyang ibawi ang naging bokya niya sa tres n'ung Game 2, kung titira pa rin siya sa tres at hindi pakikinggan ang sinabi ni Smith.

Ano ang masasabi niyo rito?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.