Ito ang sinabi ni Rob Pelinka patungkol sa future nina LeBron James at Anthony Davis sa Lakers.



Ito ang sinabi ni Rob Pelinka patungkol sa future nina LeBron James at Anthony Davis sa Lakers.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi rin naman ni Rob Pelinka matapos ng isang mapait na pagtatapos ng kanilang kampanya ngayong season.

Hindi maitatanggi na ang 4-0 na pagkakawalis ng Denver Nuggets sa Los Angeles Lakers sa West Finals ay nakapag-iwan ng mapait na pakiramdam sa fans ng Lakers, mga KaDribol, at pihadong magtatagal iyon sa kanila.


Gayun pa man, ang General Manager ng Lakers na si Rob Pelinka ay naniniwala na meron pa rin namang dapat na ipagmalaki matapos ng isang napakahirap na season para sa kanila.

Inamin naman ni Pelinka na nabigo ang Lakers na maabot ang kanilang mga layunin ngayong season, pero sinabi din naman niya na mahalaga ang naging taon nila ngayon sa pag-abot nila ng kanilang ikalabing-walong titulo.

Ito raw ang season ng pagsulong at paglago para sa Lakers, ang sabi ni Pelinka, mga KaDribol.


At obvious naman daw na hindi nila naabot ang kanilang ultimate goal, na ito nga ay ang makuha ang kanilang ikalabing-walong kampeonato, na palagi raw na nasa kanilang mga paningin.

Binigyan din ng kredito ni Pelinka si Darvin Ham at staff nito para sa pag-establish ng haligi ng kanilang organisasyon at iyon na nga ang naging paraan ng kanilang pakikipaglaban hanggang sa isang mapait na katapusan.

Kitang-kita naman daw sa pagsisimula ng season ang paraan na ginawa nila para kay Darvin Ham at mga staff nito upang mapanatili ang paniniwala sa mga players at mapanatiling buhay na lumalaban sa bawa't sandali hanggang sa pinakahuling laban, dagdag pa ni Pelinka, mga KaDribol.


Ang koponan raw nila ay lumaban hanggang sa mapait na katapusan at iniisip ni Pelinka na iyon daw ay isang bagay bilang organisasyon na utang nila sa kanilang mga fans.

Iyon daw ay isang bagay na hiniling nila sa kanilang mga players at iyon daw ay talagang nagsimula sa kanilang head coach at leader at sa mga katangian na kaniyang naitanim.

Kaya nakikita raw ni Pelinka ang season nila na isang season ng pagsulong at paglago tungo sa kanilang ultimate goal na number 18, pagpapatuloy pa ni Pelinka, mga KaDribol.


Idinagdag pa ni Pelinka ang kagustuhan nila na maipagpatuloy ang samahan nina LeBron James at Anthony Davis sa kanilang koponan, at patuloy rin na bumuo ng palaban na roster sa paligid nilang dalawa.

Hindi pa nga inaanunsiyo ni LeBron kung siya ba ay babalik pa sa kaniyang ika-dalawamput isang taon, pero isa lang ang alam natin dito, na si LeBron ay hindi pa tapos sa NBA.

At sa pangunguna nina LeBron at AD, naniniwala ang mga fans ng Lakers na hindi magtatagal at itataas na nila ang banner ng kanilang ika-labing walong kampeonato sa Crypto.com Arena.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?

At para naman nga sa sinabi ni Rob Pelinka patungkol sa future nina LeBron James at Anthony Davis sa Lakers, mga KaDribol.

Ang season nga ng Los Angeles Lakers ay nagtapos sa isang masakit na pagtatapos, matapos na mabigyan nila ng pag-asa ang kanilang mga fans ng mabaliktad nila ang kanilang season, na mauuwi lang pala sa isang sakuna ng sila ay mawalis ng Denver Nuggets sa West Finals.


At dahil sa nangyari, hindi na kataka-taka pa kung ang mga katanungan ay maglabasan muli, gaya ng kung gaano pa ba katapat ang Lakers sa balak nila patungkol sa samahan nina LeBron James at Anthony Davis.

Ang tambalan ba nilang dalawa ay tapos na at wala nang patutunguhan, mga KaDribol, kaya't kailangan na ba na magsimula na ang Lakers ng pagbabago?

At nang itinanong ang mga bagay na ito kay Rob Pelinka, buo pa rin ang paniniwala niya, na kung ibig nilang makuha ang kanilang pinakamalaking tagumpay, kailangan nilang manatili kung anong meron sila ngayon.


Dahil sina LeBron daw at AD ay ang kanilang dalawang haligi, na isang kombinasyong walang katapat na patuloy nilang aasahan at bubuoin, ang sabi ni Pelinka.

Ang dalawa daw ay parehong matataas na character players na gustong manalo at laruin ang game ng tama, mga KaDribol.

Proud daw sila sa kumbinasyon ng kanilang mga superstars at gusto raw nilang magpatuloy na mag-ivest sa kanila at mag-invest sa pagpapalago na meron sila ngayong taon patungo sa susunod na season.


May mga bali-balita nga na kumakalat na isang potensiyal raw na pagtrade ng Lakers kay Anthony Davis pagkatapos ng roller coaster nilang season.

At si Pelinka ay pinatigil na ang rumors na ito at sinabi na wala naman silang sinasabi na ganoon, mga KaDribol.

At asahan daw natin na babalik ang Lakers sa susunod na season na nasa kanila pa rin sina LeBeon at AD, at babalik daw sila na may paghihiganti.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.