Ito ang sinabi ni Marcus Smart matapos na manalo ang Celtics sa Game 4 laban sa Heat.
Ito ang sinabi ni Marcus Smart matapos na manalo ang Celtics sa Game 4 laban sa Heat.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Jimmy Butler matapos na matalo ang Heat sa Game 4 laban sa Celtics.
Kung ang iniisip ng mga fans ng Boston Celtics na si Jimmy Butler at ang Miami Heat ay panghihinaan na ng loob, matapos na matalo ang Heat sa Game 4 ng Eastern Conference Finals, nagkakamali sila.
Dahil pagkatapos ng lahat, kung meron man daw koponan ang may alam na sumagot sa kabiguan, iyon daw ay ang koponan ng Miami Heat.
At nang matanong itong si Jimmy Butler patungkol sa pagkatalo nila sa Celtics sa Game 4, ngumiti ito at sinabi na, makikinig sila sa ilang musika, iinom ng ilang beers at alak, at ngingiti, sama-sama raw sila sa bagay na iyon, at kukunin daw nila ang panalo sa road.
Ito ang sagot na panigurado na gustong marinig ng mga fans ng Heat, dahil isang beses pa lang naman sila natalo at walang dahilan upang magpanic na sila.
Kahit na ba na ang momentum daw ay lumipat na sa Celtics at ang pagkakataon daw ay pumapabor na sa Boston, hindi raw nila ipag-aalala iyon.
Nangunguna pa rin naman ang Heat sa serye, 3 to 1, at tandaan natin na babalik sila sa tahanan ng Boston para sa Game 5, kung saan nakuha nila ang kanilang unang dalawang panalo sa East Finals, na halos hindi sila nahirapan.
Panigurado na ang Celtics ay nakakuha na ng kumpiyansa sa naging panalo nila, pero gaya nga ng sinabi ni Jimmy Butler, ang pagkatalo nilang iyon ay lalo lang nagpainit sa kanila at nakapagbigay sa kanila ng pakiramdam ng pagmamadali.
At alam na siguro ng lahat na ang isang motivated na koponan ng Heat ay ang pinakamahirap na talunin na grupo ngayon sa NBA.
Ano ang masasabi niyo rito?
At patungkol naman sa sinabi ni Marcus Smart matapos na manalo ang Celtics sa Game 4 laban sa Heat.
Nagawa na nga iyon dati sa MLB at NHL, pero hindi pa ito nagawa sa NBA, na ang isang koponan ay nakabalik sa pagkakalubog na 3-0 sa serye sa playoffs.
At ang mauna ng 3-0 sa NBA ay nangangahulugan lang na mas malakas ang isang koponan sa isa, o kaya ay nagawang talunin sa laro o nabaliktad ng isang koponan ang kanilang kalaban.
Ganiyan nga ang nangyayari ngayon sa Boston Celtics laban sa Miami Heat sa 2023 Eastern Conference Finals, na nahihirapan nga ang Celtics na talunin ang Heat dahil sa kawalan nila ng focus at dahil na rin sa hindi nila tuloy-tuloy na magandang paglalaro.
Gayun pa man, may kasabihan nga raw na "hindi pa tapos ang laban hangga't hindi pa ito natatapos,"at kailangan na maiuwi muna ng isang koponan ang apat na panalo sa serye bago masabing tapos na nga ang laban, at ang Heat ay hindi nga nagawang tapusin na ang laban sa Game 4.
At itong si Marcus Smart ay nalalaman na, na ang manalo sila sa serye ay wala pang katiyakan, pero may pagkakataon pa silang lumaban, basta h'wag lang nilang pangungunahan agad ang mga bagay-bagay.
Ayon kay Smart, kailangan daw nilang lumabas at kumuha pa uli ng isang panalo, iyon daw ang mahalaga, kukinin daw nila ang panalo sa kada isang laro.
Naniniwala raw sila na ang mga posibilidad ay nakasalansan laban sa kanila, pero sila raw ay isang koponan na naniniwala sa isa't-isa anoman ang mangyari.
Kailangan lang daw nilang magpatuloy, at ang mahalaga raw sa ngayon ay ang susunod na game, dagdag pa ni Smart.
Base na rin sa mga sinabi ni Marcus Smart, susubukan nila, sa abot ng kanilang makakaya na dalhin pa sa Game 6 pabalik sa Miami ang serye, at kailangan lang nilang tutukan ang kanilang pagpupurisige na ginawa nila kung bakit sila umangat nu'ng Game 4.
Gagawin daw nila ang maliliit na bagay ng paulit-ulit at naniniwala raw sila sa isa't-isa at naniniwala rin daw sila sa kakayahan ng bawa't isa na makapagpatuloy.
Kahit na ba sila raw ang nasa ilalim, anoman ang mangyari, kailangan daw nilang ipagpatuloy ang tamang paraan ng paglalaro, pagpapatuloy pa ni Smart.
Malaking bagay talaga ang pagtitiwala, at nakita ito sa kanilang paglalaro nu'ng Game 4, dahil maganda ang naging pag-ikot ng bola sa kanila, na sila ay nakapagtala sa kabuoan ng 28 assists, na lubhang nagpahirap sa depensa ng Miami Heat.
Gayun pa man, abangan na lang natin kung maipagpapatuloy pa rin ng Celtics ang ginawa nilang pagpupursige nu'ng Game 4, sa magiging laban nila sa Game 5, sa darating na Biyernes, May 26, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Ano ang masasabi niyo rito?
Comments
Post a Comment