Ito ang sinabi ni LeBron James patungkol sa kakampi niyang si Austin Reaves.



Hindi na nga kailangan pa ni LeBron James na gumamit pa ng maraming salita upang papurihan ang kaniyang kakampi na si Austin Reaves, mga KaDribol, na isa sa naging mahalaga sa kanila upang maisara na ang serye nila laban sa Golden State Warriors.

Napakaganda nga ng inilaro ni Reaves n'ung Game 6, na isa sa naging dahilan upang makuha na nila ang ticket para sa West Finals.

Si Reaves ay nagtapos na may 23 points, 5 rebounds at 6 assists, at nakagawa pa siya ng isang 'di kapani-paniwalang tira, nang maipasok niya ang isang halfcourt shot bago tumunog ang halftime buzzer.


Hindi lang ang tirang iyon ang naging dahilan upang pumasok sila sa break na may pitong puntos na kalamangan, mga KaDribol, kundi nakapagpataas pa iyon ng kanilang kumpiyansa sa game, kaya natapos nila ang kanilang trabaho ng maayos at nakuha nga nila ang panalo.

Isang araw, matapos ng magandang paglalaro na iyon ng Lakers, pinuri ni LeBron itong si Reaves gamit ang kaniyang Instagram, at ibinahagi niya ang isang IG post ni Reaves kung saan ipinakikita doon ang video ng kaniyang halfcourt shot at ilang mga larawan, at nilagyan iyon ni LeBron ng caption na "HIM."


Walang duda, gustong-gusto talaga ni LeBron na kasama sa laro itong si Reaves, hindi lang sa dahil sa malaki na ang iniunlad ni Reaves sa paglalaro na kasama si LeBron, kundi dahil na rin sa nakuha na niya ang pagtitiwala sa kaniya ni LeBron, at napakalaking bagay n'un para sa isang gaya ni Reaves.

Mataas nga ang inaasahan na maipagpapatuloy ni Reaves ang kaniyang magandang paglalaro sa Lakers kapag nakaharap na nila ang Denver Nuggets sa West Finals, mga KaDribol.

At base na rin sa mga naipakita na ni Reaves, hindi malayong mangyari na magagawa nga niya kung ano ang inaasahan sa kaniya.


Sama-sama nating panoorin ang Game 1 ng sagupaang Lakers at Nuggets sa darating na Miyerkules, May 17, 8:30 ng umaga, Pinas time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.