Ito ang sinabi ni Kendrick Perkins patungkol kina Jimmy Butler at Bam Adebayo, matapos na makaranas ang Heat ng back-to-back na pagkatalo sa Celtics sa East Finals.
Ito ang sinabi ni Kendrick Perkins patungkol kina Jimmy Butler at Bam Adebayo, matapos na makaranas ang Heat ng back-to-back na pagkatalo sa Celtics sa East Finals.
Unahin nating pag-usapan ay ang sinabi ni Perkins patungkol kay Bam Adebayo.
Muli na naman ngang nasayang ng Miami Heat ang pagkakataon na maisara na ang serye laban sa Boston Celtics nu'ng Biyernes.
Matapos nga na magawa nila na makalamang sa serye ng 3-0, ngayon ay nasa bingit na sila ng kapanganiban na mawala pa sa kanila ang pagkakataon na makagawa ng kasaysayan, nang mapabayaan nilang makabalik pa sa serye ang Celtics.
Kaya naman si Kendrick Perkins ay naglaan na ng isang player na dapat daw sisihin sa nangyaring ito sa Heat, at iyon daw ay si Bam Adebayo.
Hindi talaga nagpaawat si Perkins na mabanatan niya si Adebayo sa isang ito, na umabot pa nga na nadamay pa ang pangalan ni Anthony Davis ng Los Angeles Lakers.
Hindi raw naging kaaya-aya ang paglalaro ni Adebayo nu'ng Game 5, at ang energy daw nito ay kagaya ng kay Anthony Davis, ang sabi ni Perkins.
Hindi raw pupwede na aalis ka sa game na hindi ka man lang nakakuha ng 15 rebounds, na ang kalaban mo lamang ay si Al Hordord.
Si Horford daw na 36 years old na, at mas athletic daw itong si Adebayo, kaya dapat lang daw na mas madomina niya ang tapatan nila, wala raw excuses doon, dagdag pa ni Perkins.
Talaga namang hindi naging malambot dito si Perkins sa pagbanat niya kay Adebayo, pero sa depensa, meron naman daw magagandang nagawa itong si Adebayo.
Sa Game 5, si Adebayo ay nagtapos na may 16 points, 8 rebounds, 3 assists, 2 steals at isang block shot, sa loob ng 32 minutes na paglalaro, at nagkaroon din siya ng anim na turnovers.
At patungkol sa match up niya kay Horford na tinutukoy ni Perkins, si Horford ay nakakuha sa game ng 11 rebounds, na hindi raw excusable sa parte ni Adebayo.
Ang magandang balita na natitira pa sa Heat ay may dalawang pagkakataon pa sila na maisara na ang serye laban sa Celtics.
At dapat magawa na nila iyon sa Game 6 sa Linggo, upang huwag nang bumalik pa uli sa Boston ang serye para sa pinakahuling game ng kanilang sagupaan.
Ano ang masasabi niyo rito?
At para naman sa sinabi ni Perkins kay Butler.
Kahit na ba natalo pa ang Miami Heat sa East Finals ng back-to-back laban sa Boston Celtics, hindi pwedeng hindi natin mabalikan ang magagandang nagawa ni Jimmy Butler upang makaabot sila sa kung saan sila naroon ngayon.
Pero ito ay hindi kadalasang tinitignan na sa NBA, dahil kalimitan ang tinitignan na lang ay kung gaano ka naging kagaling sa huling panalong nakuha mo.
Pero kay Kendrick Perkins, wala siyang intensiyon na balewalain ang mga magagandang nagawa ni Butler ngayong season.
Sa katunayan niyan, naniniwala nga itong si Big Perks na si Butler ay patungo na sa isa sa pinaka-iconic na playoff run sa lahat ng panahon.
Kapag nakumpleto raw ni Butler ang misyon na maipagwagi ang kampeonato at makuha ang Finals MVP, iyon raw ay magiging isang pinakamagaling na nagawa ng isang indibidwal sa kasaysayan ng NBA, ang sabi ni Perkins.
Totoo naman iyon, pero may mga babala din naman na ibinigay itong si Perkins patungkol doon.
Dahil bago raw tuluyang ibigay ni Perkins ang kaniyang mala-GOAT level na papuri kay Butler, dapat daw na makuha muna niya ang kaniyang kauna-unahang kampeonato.
Ibig lang sabihin nito, mapupunta lang daw sa ganoong posisyon itong si Butler na makalaban para sa kampeonato kung magagawa ng Heat na talunin ang Celtics sa East Finals.
Si Butler at mga kasama niya ay nasa driver's seat pa rin naman sa serye, pero hindi maikakalila na sila ay nahaharap na ngayon sa matinding pressure kaysa nu'ng sila ay may kalamangan pa na 3-0 sa serye.
Kaya hindi na dapat matalo pa ang Miami Heat sa Game 6 sa Linggo, kung hindi, delikado talaga sila.
Ano ang masasabi niyo rito?
Comments
Post a Comment