Ito ang sinabi ni Jordan Poole patungkol sa relasyon niya kay Draymond Green.
N'ung buwan ng October 2022, mga idol, isang video ng pananapak ni Draymond Green kay Jordan Poole ang lumabas habang sila ay nasa pagpapatraktis ng koponan ng Golden State Warriors.
Tinangka pa ng Warriors na huwag nang lumaki ang issue sa media, subali't nabigo sila na magawa iyon.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, ang Warriors ay nakapagtapos sa West na pang-anim, at ang Los Angeles Lakers nga ay nagawa silang ilaglag sa ikalawang round ng playoffs.
Pagkalipas nga ng anim na buwan, mga idol, si Poole ngayon ay nagtapat na patungkol sa tunay na relasyon niya kay Draymond Green, at ito ang sinabi niya, na mababasa natin sa tweet post ng NBA on ESPN sa kanilang Twitter account.
“I don’t have no answer for you. … It’s just been business. It’s been basketball.”
Ang sabi ni Poole, wala raw siyang sagot, naging business lang daw ang lahat, naging basketball.
Sa edad ni Poole na bente-tres anyos, mga idol, siya ay nakapaglaro na ng apat na taon sa NBA, lahat ay sa koponan ng Golden State Warriors.
At siya ay nag-averaged ng 20.4 points, 2.7 rebounds, 4.5 assists, 0.8 steals, 0.3 blocks at 3.1 turnovers per game, sa loob ng 82 games ngayong season, at 43 games doon, siya ay naging starter.
Nahirapan talaga itong si Poole sa kaniyang shooting ngayong season, na siya ay nagkaroon lamang, base sa kaniyang kalidad, ng 43% field-goal percentage, ito ay pangalawa sa mababa niyang field-goal percentage sa kaniyang professional career.
Kaya naman ngayon, mga idol, nalalagay na sa alanganin ang kinabukasan ni Poole sa Warriors, at marami na nga sa mga fans ng Warriors ang sumisigaw na i-trade na lang siya.
Bukod sa nangyaring pananapak ni Green kay Poole, hindi rin kasi naging maganda ang paglalaro ni Poole sa ikalawang round ng playoffs.
Sa naging talo nga ng Warriors sa Game 6 laban sa Lakers, si Poole ay umiskor lamang ng 7 points, at tatlo lang sa sampu niyang itinara ang naipasok niya sa buong game.
Kaya hindi malayong mangyari na baka masaksihan na nga natin ang paghihiwalay ng Warriors at ni Jordan Poole sa pagsapit ng summer.
Pero kung kayo ang tatanungin, mga idol, Okay pa rin ba sa inyo na manatili pa si Poole sa Warriors, 'o mas makakabuti para sa magkabilang panig na i-trade na lang nila si Poole?
Ano ang masasabi niyo dito?
Comments
Post a Comment