Ito ang sinabi ni Joel Embiid matapos na makuha ang panalo sa Game 4 laban sa Celtics.
Muli ngang nakakuha ng panalo ang Philadelphia 76ers laban sa Boston Celtics, sa Game 4 ng kanilang serye.
Nakalamang nga ng 16 points ang Sixers sa Celtics sa isang banda ng game, pagkatapos ay naghabol sila sa limang kalamangan ng Boston, na may dalawang minuto na lamang ang nalalabi sa regulation.
Pero nadala pa rin nila ang game sa overtime, at sa overtime nga ay tinapos na nila ang laban na sila ang nakakuha ng panalo, at naitabla na nila ang serye bago sila ay muling magbabalik sa balwarte ng Boston.
Muling nagkaroon ng magandang paglalaro itong si James Harden, habang si Joel Embiid ay nagsimula na maganda ang inilalaro, pero sa may bandang dulo, siya ay nahirapan na.
Ang ginawang pagdepensa ni Al Horford kay Embiid ang nagpahirap kay Embiid sa fourth quarter, kaya naman ang Celtics ay nagkaroon ng run, mabuti na lang at may James Harden pa ang Sixers, at nailigtas nga niya ang kanilang koponan sa pagkatalo.
Si Embiid ay nagkaroon ng 11-for-26 shooting mula sa field, sa loob ng 46 minutes niyang paglalaro, habang patuloy pa rin na nagpapagaling sa kaniyang LCL sprain.
At kung hindi lang dahil sa brace na suot-suot niya sa kaniyang kanang binti, mahihirapan talaga siyang maglaro.
Nagawa raw ng Sixers ang game plan nila sa panahong kailangang-kailangan nila, ang sabi ni Embiid, at kay laking bagay raw ang and-one offensive rebound na nagawa ni P.J. Tucker, lalo na 'yung tira ni Harden.
Alam din daw niya na hindi nila nailaro ang pinakamagaling nilang paglalaro, lalo na raw siya, at kailangan daw na mailaro niya ang pinakamagaling niyang paglalaro, at gagawin daw niya iyon sa susunod.
Naging isang matatag na koponan ang Sixers ngayong season, at ang ginawa ni P.J. Tucker sa game na pagpapaala-ala kay Embiid na maging agresibo ay nagbigay sa Sixers ng isang palaban na diwa na medyo nawala nga sa kanila.
Lagi namang inaako ni Embiid ang sisi kapag hindi siya nakapaglaro ng maganda, pero sa game na iyon, nakagawa naman siya ng magagandang pagdepensa.
Pinagpag niya ang kaniyang struggles at naging locked in sa game, at sa kaniya nanggaling ang pasa sa pampanalo nilang tira.
Napwersa din niya si Jayson Tatum na ipasa ang bola kay Marcus Smart, na nabigo na maitira ang bola sa oras, isang tira sa tres sa pinakahuling possession ng game.
At bagaman na siya ay nagkaroon ng 34 points at 13 rebounds, alam ni Embiid na mayroon pa siyang maibibigay na hihigit pa doon.
Comments
Post a Comment