Ito ang sinabi ni Jayson Tatum matapos na matalo ang Celtics sa Game 2 laban sa Heat.
Si Jayson Tatum nga at ang Boston Celtics ay nahaharap ngayon sa isang posibilidad na mukhang kayhirap malutas sa Eastern Conference Finals.
Ito ay matapos na matalo sila sa Game 2 nitong Sabado laban sa Miami Heat sa score na 111-105, at ngayon ay hawak na ng Heat ang kalamangan sa serye na 2-0.
Malaking bagay ang nakuhang panalo na iyon ng Heat dahil ang Game 3 at Game 4 ay gaganapin na sa kanilang tahanan sa Miami.
Kaya naman aminado itong si Tatum na nasa malalim na hukay na sila ngayon, pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa at sinabi na hindi pa tapos ang laban.
Mahirap na pagsubok daw iyon para sa kanila, pero wala raw saysay kung sila ay magiging malungkot sa kinalalagyan nila ngayon.
Maganda raw ang inilaro ng Heat kaya sila nanalo ng dalawang beses, pero hindi pa raw tapos ang lahat para sa kanila, at may magandang pagkakataon pa raw sila, ang sabi ni Tatum.
Taglay pa raw ni Tatum ang kumpiyansa, maging ang lahat niyang mga kasama ay ganoon din ang dala-dala, kailangan lang daw nilang maging handa para sa Game 3, dagdag pa ni Tatum.
Kakailanganin nga ni Tatum na mas maging mahusay siya kaysa sa naipakita niya sa dalawang naunang games nila sa serye, kung ibig niyang makatulong sa Celtics na makabangon pa.
Lalo na, mas higit na kailangan ng Boston ang kanilang pinakamahusay na manlalaro na ipamalas ang kahusayan nito sa panahong kakailanganin nila, sa crunch time.
Sa Game 1 at Game 2, si Tatum ay nagkaroon ng pinagsamang 0-of-3 na total sa field goal attempts sa fourth quarter, tama kayo ng narinig, iyon ay sa dalawang games, sa loob ng buong 24 minutes niyang paglalaro.
At nang tinanong itong si Tatum, kung naniniwala ba siya na may kakayahan pa rin ang Celtics na manalo ng apat sa loob ng susunod na limang games, isa lang ang naging sagot ni Tatum, "Oo."
Ano ang masasabi niyo rito?
Ang Game 3 sa sagupaan ng Celtics at Heat ay magaganap sa darating na Lunes, May 22, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Comments
Post a Comment