Ito ang sinabi ni Jamal Murray matapos na manalo ang Nuggets sa Game 3 laban sa Lakers.



May kalamangan man ngayon ang Denver Nuggets na 3-0 laban sa Los Angeles Lakers sa West Finals, pero nalalaman ni Jamal Murray na walang kalamangan ang ligtas sa NBA.

Ipinaalaala ni Murray sa kanilang koponan na hindi sila dapat maging kampante, kahit na ba na nalalaman nila na wala pa sa kasaysayan ng playoffs ang nakabalik sa 3-0 na kalamangan.

Binalaan din ni Murray ang kaniyang mga kakampi na ang Lakers ay magiging mas malakas na at matindi sa Game 4, at h'wag daw nilang asahan na basta nalang ibibigay ng Lakers ang serye sa kanila.


Kailangan daw nila ng 16 wins upang mapagwagian ang kampeonato, at gagawin daw lahat ng Lakers gamit ang kanilang kapangyarihan na makabalik at makalaban.

Alam daw nila kung ano ang paparating at kailangan lang daw nilang maging handa, ang sabi ni Murray.

Si Jamal Murray at ang Nuggets ay hindi na bago sa pagbura ng kalamangan, dahil nu'ng 2020 playoffs, nakagawa sila ng kasaysayan, nu'ng sila ay makabalik, hindi lang sa isa, kundi sa dalawang 3-1 na kalamangan sa serye, na nagdala sa kanila upang makatungtong sa West Finals at makaharap ang Lakers.


Kaya nalalaman nila na hindi nila dapat basta na lang maliitin ang kalaban na handang gawin ang lahat upang makaligtas pa.

At gaya nga ng sinabi ni Murray, wala pang koponan ang nakabalik sa 3-0 na pagkakalubog, na ang record nga rito ay zero out of 149.

Kaya naman ang Nuggets ay may maganda nang tyansa na masigurado na ang ticket nila patungong NBA Finals.


Pero hangga't hindi pa nila nakukuha ang pang-apat na panalo laban sa Lakers, kailangan nilang magpatuloy pa rin sa magandang inilalaro nila.

Ano ang masasabi niyo rito?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.