Ito ang sinabi ni Head Coach Michael Malone ng Nuggets matapos na walisin nila ang Lakers.



Ito ang sinabi ni Head Coach Michael Malone ng Nuggets matapos na walisin nila ang Lakers.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang pag-ayaw ng mga fans ng Lakers sa ideya ng pagkuha nila kay Trae Young.

Matapos nga na umugong ang pagkaka-link ni Trae Young sa potensiyal na trade sa Los Angeles Lakers, mga KaDribol, ang ilang mga fans ay nagprotesta agad sa hakbang na iyon at nakipagtalo na makakapinsala lamang daw iyon sa kanilang koponan.


Nu'ng Miyerkules nga ay umugong ang pagpunta raw ni Young sa Lakers sa social media at ayon sa naiulat, ang Lakers daw ay nagkaroon ng internal discussion patungkol sa hypothetical trade offer para kay Young sa paparating na summer, ayon iyan kay Jovan Buha ng The Athletic.

Ang link ng posibilidad na mapunta nga si Young sa Lakers ay malapit sa katotohanan, lalo na at Klutch client din siya na gaya nina LeBron James at Anthony Davis.

Kaya hindi na kataka-taka pa o nakakagulat na bagay kung mapunta nga itong si Young sa Lakers, mga KaDribol, dahil may history ang kanilang koponan na nagdadala ng mga players sa kanilang team na hawak ng Klutch Sports.


Habang may ilan sa mga fans ang gusto ang idea na iyon, ang iba naman ay ayaw sa trade rumors na ito, at ipinarinig nila ito at ipinadama sa social media.

May nagsabi na, hindi raw nakarating ang Lakers sa postseason pagkatapos ay ipalalagay na si Trae Young ang kasagutan sa kanilang mga naging issues, hindi raw niya pinaniniwalaan iyon.

May isa naman na frustrated ang nagsabi na, dapat na raw ihinto ng Lakers ang sumubok dahil sa pangalan kundi ang dapat daw pagtuunan nila ng pansin ay kung sino ang aangkop sa kanilang koponan, mga KaDribol.


May nagsabi naman na para lang daw si D'Angelo Russell itong si Trae Young na parehong hindi mabisa at hindi kayang dumipensa.

May isang fan naman na ikinumpara lang iyon sa pagkakatrade kay Russell Wesrbrook nu'ng 2021.

Habang napatunayan naman na ni Trae Young na siya ay pupwedeng maging isang superstar sa NBA, mga KaDribol, ang hindi tuloy-tuloy na magandang paglalaro niya ang nagpapababa ng kaniyang value sa liga.


Kaya dapat talagang pag-isipang maigi ng Lakers kung makakatulong ba talaga sa kanila si Young kapag kinuha na nila siya.

Bukod kasi sa kaniyang questionable fit, ang kaniyang kontrata, attitude at depensa ay ilan sa mga major issues na dapat i-consider ng Lakers .

Ano ang masasabi niyo, rito mga KaDribol?


At para naman nga sa sinabi ni Head Coach Michael Malone ng Nuggets matapos na walisin nila ang Lakers, mga KaDribol.

Hindi pa rin nga nahihinto na mapag-usapan ang koponan ng Los Angeles Lakers sa kabila na sila ay nawalis na ng Denver Nuggets sa West  Finals.

Nature na ito ng Lakers dahil sila ay ang pinaka-decorated team sa kasaysayan ng NBA, lalo na at nasa kanila ang nag-iisang si LeBron James.


At dahil dito, mga KaDribol, ang head coach ng Nuggets na si Michael Malone ay sawang-saw na, na makarinig pa ng mga bagay patungkol sa Lakers.

Nang matanong nga itong si Coach Malone patungkol sa narrative ng paparating na NBA Finals, nilinaw niya ang kaniyang palagay para sa lahat ng tao na nasa kaisipan pa rin nila ang Lakers.

Kung sinoman daw ang pinag-uusapan pa rin ang Lakers sa NBA Finals, nasa sa kanila raw iyon. Nangingisda na raw ngayon ang Lakers, samantalang sila ay naglalaro pa rin, ang sabi ni Malone.


Ang narrative daw ay dapat nandoon sa dalawang teams na buhay pa rin dahil ang makaabot daw sa ganoong punto ay makasaysayan para sa kanila, mga KaDribol.

Kauna-unahan daw iyon sa kasaysayan ng prankisa ng Denver Nuggets na nakaabot sa NBA Finals, dagdag pa ni Malone.

Halata naman na huminhingi rito si Coach Malone ng karagdagang paggalang sa pangalan ng Denver, at hindi naman natin masasabi na hindi nila deserve iyon.


Dahil si Nikola Jokic at mga kasama niya ay nagkaroon ng amazing run sa playoffs at hindi pa sila tapos, mga KaDribol.

At gaya nga ng sinabi ni Coach Malone, ang Nuggets ay nakagawa ng kasaysayan sa taas na naabot nila ngayong season, at sa pagtatapos ng araw, hindi pa sila kuntento doon.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.