Ito ang sinabi ni Erik Spoelstra matapos na matalo ang Heat sa Game 4 laban sa Celtics.
Ito ang sinabi ni Erik Spoelstra matapos na matalo ang Heat sa Game 4 laban sa Celtics.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang kasaysayan na nagawa ni Al Horford sa playoffs, matapos na manalo ang Celtics sa Game 4 laban sa Heat.
Napanatili pa nga ng Boston Celtics ang kanilang season na buhay, matapos na makuha nila ang panalo nu'ng Miyerkules laban sa Miami Heat.
Babalik sila sa kanilang tahanan at susubukan na mapahaba pa ang serye at madala pa ito hanggang Game 6 pabalik sa tahanan ng Miami.
At ang isa sa mahalaga para sa kanilang tagumpay ay ang beteranong si Al Horford.
Bumaba man ang numero ni Horford ngayong season, pero nanatili pa rin siyang mahalagang parte ng kanilang koponan at sa potensiyal na pag-asa nila para sa isang kampeonato.
At kailangan ng Celtics ang abilidad ni Horford upang mapaluwag ang sahig dahil sa kaniyang 3-point shooting.
Ngayong postseason, si Horford ang naging unang sentro sa kasaysayan ng playoff na nagkaroon ng hindi bababa sa 145 na nagawang tres.
Sa edad na trentay sais, si Al Horford ay isa sa matatanda nang manlalaro sa liga, pero kung ibig ng Celtics na manatili pang buhay ang season nila, kailangan nila ang malakas na paglalaro ni Horford sa Game 5.
Nagtapos si Horford sa Game 4 na may 12 points, 7 rebounds, 4 assists at 1 blocked shot, 4-of-7 siya mula sa field, 3-of-6 mula sa tres at naipasok ang isa sa dalawa niyang free throws.
Sa ngayon, sa playoffs, si Horford ay nag-aaverage ng 6.8 points, 6.9 rebounds, 2.9 assists, 1.2 steals at 1.8 blocked shots.
Na may shooting splits na 38.7 percent shooting mula sa field, 31 percent shooting mula sa tres at 75 percent naman mula sa free throw line.
At kahit na ba ang pagiging mabisa niya ay bumaba, mahalaga pa rin naman siya sa kanilang koponan.
Si Horford ay limang beses na naging All-Star, at limang season niya na rin ito sa Celtics, dalawang magkasunod na ito, pagkatapos na maglaro siya sa Boston taong 2016 hanggang 2019.
Ano ang masasabi niyo rito?
At para naman sa sinabi ni Erik Spoelstra matapos na matalo ang Heat sa Game 4 laban sa Celtics.
Nasayang nga ng Miami Heat ang kanilang pagkakataon na maisara na ang serye sa Game 4 ng Eastern Conference Finals laban sa Boston Celtics.
Mayroon ngang homecourt advantage ang Heat at may maganda silang pagkakataon na mawalis ang Boston at makuha na ang kanilang ticket patungong NBA Finals laban sa Denver Nuggets, pero hindi nga nila nagawa.
Pagkatapos ng game, ang head coach ng Heat na si Erik Spoelstra ay hindi tinanggap ang sinasabi ng ilan na ang Heat daw ay nagpabaya nu'ng Game 4.
Ayon sa kaniya, kaya raw sila natalo ay dahil sa mas maganda lang talaga ang nailaro ng Celtics kaysa sa kanila.
Kung minsan daw, hindi raw nangyayari ang mga bagay-bagay ayon sa kanilang pinlano, at marami na raw silang pinagdaang mahihirap na laban, pero nakagagawa pa rin daw sila ng paraan upang manalo, kahit na ba maganda pa ang inilaro ng kalaban o hindi.
Maganda raw talaga ang inilaro ng Celtics nu'ng Game 4, at dapat lang daw na ibigay sa kanila ang kredito, walang duda raw doon, wala na raw dapat na itanong pa, karapat-dapat lang daw ang panalo para sa Celtics.
Kailangan daw nila ngayon na mag-regroup at maging handa para sa magandang pagkakataon sa Boston sa Game 5, ang sabi ni Erik Spoelstra.
Ang magandang balita rito para sa mga fans ng Heat ay nasa maganda pa rin namang posisyon ang Heat sa serye.
Medyo magiging mahirap na nga lang, dahil malilipat na ang Game 5 sa tahanan ng Boston Celtics.
At asahan na natin na gagawin lahat ng Miami ang lahat nilang makakaya, upang tapusin na ang serye sa Boston, upang hindi na magkaroon ng pagkakataon pa ang Celtics na makabalik pa mula sa pagkakalubog na 0-3 sa serye.
Ang Game 5 ay magaganap sa darating na Biyernes, May 26, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Ano ang masasabi niyo rito?
Comments
Post a Comment