Ito ang sinabi ni Eric Gordon sa pag-alaala sa serye ng Rockets-Warriors taong 2018.
Ang former Houston Rockets na ngayon ay Los Angeles Clippers na, na si Eric Gordon ay nagbalik-tanaw sa naging laban nila sa Golden State Warriors taong 2018 na nauwi sa seven games, mga idol.
Sa panahong iyon, ang Rockets ay pinangungunahan ni James Harden, at pagdaka ay nakuha nila si Chris Paul sa taon ding iyon.
At ang kanilang coach noon ay ang offensive mastermind na si Mike D'Antoni, na pioneer ng modern NBA offense na kinasasangkutan ng maraming 3-point shooting at paggalaw ng bola na mabilis.
At ang role ni Eric Gordon noon ay sixth man na nagbibigay ng scoring mula sa bench, mga idol.
At siya no'n ay nag-averaged ng 15.7 points, 36% shooting mula sa tres, sa loob ng 30.2 minutes kada laro, nu'ng siya ay nasa Rockets pa.
Ang kanilang tugatog ay no'ng 2018, na sila ay nagkaroon ng magandang record sa regular season na 65-17, at nakaharap nga nila ang star-studded na Golden State Warriors sa Western Conference Finals.
Natalo ang Rockets sa Game 7, mga idol, at hindi na muling naiulit pa ang success nilang iyon magbuhat no'n.
At naniniwala itong si Gordon na kung sila ang nanalo doon, ang special na team daw nilang iyon ay paniguradong tumagal pa ng sama-sama.
Sabi ni Gordon, na marahil ay nagbago ang mga bagay, na marahil nga na ang team nila ay mas tumagal ng sama-sama ng marami pang taon.
Ang manalo raw ng kampeonato ay isang malaking bagay, mga idol, kaya walang duda raw na sila ay mas tatagal ng sama-sama.
Ang Rockets ay mukhang isang perpektong koponan na makakatalo sa Warriors, na pinangungunahan ng apat na stars na sina Kevin Durant, Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green.
Lamang sa serye ang Rockets 3-2, nang biglang isinilang ang Game 6 Klay at si Chris Paul naman ay na injured ang kaniyang hamstring.
Nagkaroon ng Game 7, mga idol, na mismong ang Rockets na ang tumalo sa kanila, nang maisablay nila ang 27 na sunod-sunod na tres, kaya naman nakabalik ang Warriors sa second half.
Nang tinanong nga itong si Gordon kung ang pagkatalo nilang iyon ay nasa kaniya pa rin, ang sagot nita ay "Oo."
Makakakuha ka raw ng maraming pagkakataon na manalo ng kampeonato, at ang magkaroon ng pagkakataon na matalo ang isang koponan na mayroong Durant at Curry, ay hindi raw niya masabi.
At kung minsan daw kapag ikaw ay nanalo, mga idol, hindi mo mamamalayan kung gaano nito naaakit ang ibang players na nakapaligid sa liga, dahil naipagpapatuloy daw nila ang isang magandang bagay, dagdag pa ni Gordon.
Sinubukan uli ng Rockets iyon nang sumunod na taon, subali't muli silang pinabagsak ng Warriors sa anim na games.
Pagkatapos ay itinrade nila si Chris Paul para kay Russell Westbrook, na nagdala sa kanila upang muling matanggal, sa mga kamay naman ng Los Angeles Lakers.
Pagkatapos no'n, mga idol, nagdeklara na si Mike D'Antoni na hindi na siya babalik pa sa Rockets, at nabuwag na nga ang Rockets, itinrade sina Westbrook at Harden nu'ng 2021, at nasundan ng pagkakatrade kay Gordon sa Clippers sa simula ng taon.
Sa kabila ng lahat ng iyon, na aapreciate pa rin ni Gordon kung papaano sila tumindig sa mga juggernauts sa panahon nila, na marahil ay isa sa greatest collection ng mga talento sa kasaysayan ng NBA.
Sa ngayon ay sinusuportahan ni Gordon ang potential na reunion nila ni Harden sa Rockets sa huling pagkakataon.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol.
Comments
Post a Comment