Ito ang sinabi ni Draymond Green patungkol sa pagkukumpara kina LeBron James at Victor Wembanyama.



Sumasang-ayon naman itong si Draymond Green na si Victor Wembanyama ay isa sa pinakamagaling na NBA Draft prospect pagkatapos ni LeBron James, mga idol.

Pero para sa mga nagsasabi na si Wemby ang greatest prospect ever, merong gustong klaruhin dito si Green.

Sa latest episode ng Draymond Green Show sa The Volume, may nilinaw itong si Green patungkol sa pagkukumpara sa naging kalagayan ng NBA Draft lottery.


Matapos nga na mapagwagian ng San Antonio Spurs ang first pick at ang rights na ma-draft si Wembanyama, mga idol, ang mga usap-usapan ay pumatungkol na sa potensiyal na epekto ni Wemby at kung papaanong ito ay paparehas laban kay LeBron.

Walang duda sa kaisipan ni Green na si Wemby ay magiging malaking pagbabago para sa isang prankisa kagaya ni LeBron, pero para sa kaniya hindi raw tama na tawagin si Wemby na greatest prospect ever, at ipinaalaala pa niya kung gaano naging kalaking prospect itong si LeBron.

Marami raw ang magsasabi ngayon na si Wemby ang best prospect, pero huwag daw nilang kakalimutan kung gaano naging kalaking prospect nga itong si LeBron James.


Si LeBron daw ay isa nang phenom sa edad na kinse anyos, mga idol, at naging number one pick sa edad na kinse anyos, kaya kung gusto na raw nating lumipat sa kasunod, hindi raw aalis itong si Green sa daan at sasabihing mas magaling na prospect si Wemby kaysa kay LeBron.

Oo, masasabi nga natin na si Wemby ang best prospect magbuhat kay LeBron, pero sasang-ayon siguro ang karamihan kay Green, na si Wemby ay second-best prospect lamang kay LeBron.

Ipinagpatuloy pa ni Green ang pagtatalo sa mga taong nagsasabi na si Wembanyama ngayon ang greatest prospect ever dahil sa nalagpasan na raw ni LeBron ang katayuan na iyon, at napatunayan naman na ni LeBron kung bakit natatangi siya.


At para naman kay Lebron, mga idol, malamang walang anoman sa kaniya ang pagkukumpara kay Wemby sa kaniya, katunayan, gusto din naman niya si Wembanyama, na tinawag pa nga niya ito na alien imbes na unicorn.

Pero sa mga may gusto pang makipagdebate patungkol dito, para sa akin, may katuturan naman ang mga sinabi na ito ni Draymond Green.

Kayo, ano ang masasabi niyo dito, mga idol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.