Ito ang sinabi ni Draymond Green matapos na hindi na siya nakabalik sa laro sa Game 6.
Sa pagtatapos nga ng Golden State Warriors ngayong season, mga idol, nang sila ay talunin na ng Los Angeles Lakers n'ung Sabado, si Draymond Green ay nakapaglaro lamang ng 24 minutes doon.
Nagkaroon kasi ng injury sa binti itong si Green sa game na iyon, at nagdesisyon na nga ang kanilang koponan na huwag na siyang pabalikin pa sa laro.
At ito ang nasabi ni Green patungkol sa insidendeng iyon, aniya, gusto raw niyang maglaro pa kahit na ba may sakit siyang nararamdaman sa kaniyang binti upang matulungan daw ang kanilang koponan.
Anim na minuto pa ang nalalabi sa game at may kalamangan ang Lakers ng 22 points, mga idol, nang nagpipilit daw itong si Green na ibalik siya sa laro, pero hindi siya pinayagan.
Dahil kung babalik daw itong si Green para lamang sa tangkang paghabol sa 22 points ng kalamangan ng Lakers, at biglang mapunit pa ang kaniyang binti, na magreresulta upang magpagaling siya buong summer, hindi raw matalinong galaw iyon, kaya hindi siya pinayagang makabalik sa game.
Naging buo na nga ang pagpapasya ng Warriors na wala nang saysay pa kung ibabalik pa nila si Green sa puntong iyon, dahil ang game raw ay hindi na mapapasa-kanila pa.
Ayaw na rin daw nilang isugal pa ang kanilang trentay tres anyos na beterano na magkaroon pa ng mas malalang injury, mga idol, dahil lang sa isang game na wala na silang pag-asang manalo.
Kaya wala nang iba pang nagawa si Green kundi panoorin na lang ang kanilang koponan kung papaano pabagsakin ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers.
Binigyan nila ng magandang laban ang Game 6, subali't hindi talaga nila kinaya ang lakas ng isang LeBron at ng kabuoan ng pwersa ng Lakers, bawi na lang next season Warriors.
Comments
Post a Comment