Ito ang sinabi ni Coach Malone patungkol kay Anthony Davis matapos na talunin ng Nuggets ang Lakers sa Game 3 ng West Finals.
Kamuntikan na ngang mawala sa mga kamay ng Denver Nuggets ang Game 3, mga KaDribol, sa isang makapigil hiningang laban nila sa Los Angeles Lakers.
Hindi bumitaw ang Denver at nagawa pa rin nilang tapatan ang lahat ng ginawa ng Lakers upang makuha sana ang una nilang panalo sa seryeng ito, at ngayon nga ay may matatag ng kalamangan sa serye ang Nuggets sa Lakers sa West Finals na 3-0.
At kahit na ba na ang Nuggets ang nanalo sa Game 3, ang coach ng Denver na si Michael Malone ay hindi pa ring napigilang pasaringan itong si Anthony Davis at ang mga referees.
Sinabi ni Malone na habang sina Nikola Jokic daw at Jamal Murray ay tinutigis ng Lakers kahit saan man sila magpunta sa loob ng court, mga KaDribol.
Ito naman daw si Davis ay ligtas na nakakapaglaro, na nakaupo lang daw sa may pintura para sa walong segundo sa isang pagkakataon at nagpapakita bilang karagdagan sa karamihan.
Binigyang pansin din ni Malone ang pagkakaroon nila ng anim na turnovers para sa walong puntos sa isang game, na napakalaking bagay raw nu'n, at ramdam daw ni Malone na napakalaki raw talaga nu'n.
Nakakita naman ng ilang tagumpay ang Lakers sa pangangasiwa ni Davis sa may pintura, mga KaDribol, pero sa huli, hindi pa rin talaga naging sapat iyon.
At sa kaisipan ni Malone, naniniwala siya na ang mga game officials ay naging maluwag kay AD sa tagal na inilalagi nito sa loob ng pintura.
At ang mga turnovers ay totoo namang mayroong ginampanang malaki sa naging istorya ng laban na ito ng Lakers at ng Nuggets, gaya nga ng sinabi ni coach Malone.
Ipinunto ni Malone na ang Nuggets ay nagkaroon lamang ng anim na turnovers sa loob ng 48 minutes laban sa Lakers na isang malakas na koponan pagdating sa depensa, mga KaDribol.
Kaya naman ang Denver ay gugustuhin na magpatuloy sila sa ganitong klaseng paglalaro patungo sa Game 4, na magaganap sa darating na Martes, May 23, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Upang maisara na nila ang serye laban kina LeBron James at mga kasama nito sa tahanan mismo ng Lakers.
Ano ang masasabi niyo rito?
Comments
Post a Comment