Ito ang sinabi ni Austin Rivers patungkol kina Jordan Poole at Austin Reaves.



Ito ang sinabi ni Austin Rivers patungkol kina Jordan Poole at Austin Reaves.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi na ito ni Nikola Jokic patungkol kay Jamal Murray, matapos na makapasok na sila sa NBA Finals.

Ang Denver Nuggets nga ay pasok na sa NBA Finals at kauna-unahan ito sa kasaysayan ng kanilang prankisa, mga idol.


Nakabawi na sila sa limang games na pagkatalo nila noong 2020 Western Conference Finals laban sa Los Angeles Lakers nang sila ay walisin nila ngayong taon.

Binuhat nina Nikola Jokic at Jamal Murray ang Nuggets upang mapagwagian ang pinakamalaking serye ng kanilang prankisa ngayon.

Kay Jokic nga sesentro ang atensiyon pagdating sa Nuggets, mga idol, lalo na at nakagagawa siya ng mga numero na nagawa nang basagin ang ang isa sa naging record ni Wilt Chamberlain, pero deserve din naman ni Murray na mabigyan ng maraming papuri dito.


Ang abilidad ni Murray na patakbuhin ang kanilang opensa at gumalaw na wala sa kaniya ang bola ay napakalaki, lalo na kapag nahanap na niya ang lugar at nadadala niya talaga ang Nuggets sa kaniyang hindi kapani-paniwalang shooting.

Nang tinanong itong si Jokic kung kanino siya mas naging masaya matapos na makuha na nila ang ticket patungong Finals sa kauna-unahang pagkakataon, binanggit niya ang pangalan ni Murray.

Matapos na magdaan sa isang mabigat na injury at sa patuloy na pagtaas ng antas ng paglalaro ni Murray, mga idol, hindi na kataka-taka pa na papurihan nga ni Jokic itong si Murray.


Na injured daw si Murray at dumaan sa mabigat na panahon, at inisip na siya ay baka i-trade na, ang sabi ni Jokic.

Kung papaano raw na pinangungunahan sila ni Murray at kung papaanong kinokontrol niya ang game, at naibubuslo ang kaniyang mga tira, masaya raw si Jokic na napatutunayan ni Murray ang kaniyang halaga at espesyal na player daw si Murray sa liga, dagdag pa ni Jokic.

Wala pa mang pagka-star sa kaniyang pangalan itong si Murray dahil hindi pa nga siya napasama sa mga napipiling All-Star, mga idol, pero kapag kinakailangan siya sa game, mas naipapakita niya ang kaniyang kahusayan kaysa sa ibang manlalaro, na hindi magtatagal ay mapapabilang din siya sa mga bituin ng liga dahil doon.


At ang magkaroon ng isang kagaya ni Murray sa isang koponan ay napakalaking tulong talaga, walang takot at malikhain pagdating sa paglalaro ng basketball.

Napapagaang ang trabaho ni Jokic dahil na rin sa paraan ni Murray na lusutan ang depensa at gumawa ng mahihirap na tira.

Nang mapunit ni Murray ang kaniyang ACL nu'ng 2021, mga idol, hindi naituloy ng Nuggets ang kanilang pag-arangkada at inisip na nga ni Murray na siya ay iti-trade na.


Pero ang Nuggets ay nakagawa ng magandang desisyon na panatilihin pa rin siya sa kanila at hayaan siyang gumaling, na inabot nga ng isang buong season.

Sinuklian naman iyon ni Murray ng isang magandang paglalaro patungo sa playoffs na nagpatuloy hanggang sa West Finals, at marahil ay maipagpapatuloy pa rin niya iyon sa NBA Finals.

Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?


Patungkol naman sa sinabi ni Austin Rivers patungkol kina Jordan Poole at Austin Reaves.

Hindi na nga bago pa sa pagbahagi ng kaniyang opinyon sa liga itong si Austin Rivers, mga idol, at ngayon ay ibinahagi naman niya ang nasa isip niya kung kanino kina Austin Reaves ng Los Angeles Lakers at Jordan Poole ng Golden State Warriors ang mas magaling na manlalaro.

Aniya, gusto raw niya si Reaves, gusto raw niya ang talento ni Reaves, at ang pinakamagaling raw niya na kasanayan ay kung papaanong maging isang agresibong manlalaro.


Palagi raw agresibo si Reaves sa tuwing hawak niya ang bola, palagi raw handang umatake itong si Reaves, magkaroon man siya ng pagkakamali, maisablay ang tira, wala raw pakialam doon si Reaves.

Hindi man daw mabilis si Reaves, mga idol,  hindi nakakatalon ng pinakamataas, hindi rin daw pinakamagaling na shooter, o isang pinakasanay na manlalaro, pero nakagagawa raw si Reaves ng maliliit na bagay kahit saan siya nandoon, pagpapatuloy ni Rivers bago niya inisa-isa na...

Agresibo at pala-atake itong si Reaves at gusto raw iyon ni Rivers, at lumalaban daw talaga itong si Reaves.


Gayun pa man, sa lahat ng binanggit na iyon ni Rivers, hindi pa rin daw siya naniniwala na ang antas ng kasanayan ni Reaves ay mailalapit kay Poole.

Ang antas daw ng kasanayan ni Reaves ay hindi maipaparehas kay Poole, mga idol, magkaiba raw ang dalawa, lalo na sa saklaw ng pagtira ni Poole, at abilidad na gumawa ng mga tira.

At kapag pinag-usapan raw ang antas ng kasanayan sa antas ng kasanayan, malayo raw si Reaves kay Poole, pero h'wag daw pagkakamalian ang sinabi na ito ni Rivers, dahil iyon naman daw ay kapag pinag-usapan na ang antas ng kasanayan, dahil kung saan naman daw lumago si Reaves ay hindi naman daw naabot iyon ni Poole, dagdag pa ni Rivers.


Ang kakulangan raw ni Austin Reaves ng abilidad o ng antas ng kasanayan na hindi maipapantay kay Poole ay napupunuan naman daw ni Reaves iyon kung papaano siya nagiging masikap sa paglalaro sa magkabilang dulo ng court.

Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.