Ito ang sinabi ni Anthony Davis matapos na matalo ang Lakers sa Game 1 laban sa Nuggets.
Nalalaman nga ni Anthony Davis na magiging mahirap para sa kaniya na panatilihin na maging pwersa sa depensa ng Los Angeles Lakers laban sa Denver Nuggets sa West Finals, mga KaDribol, pero hindi raw siya basta susuko na lamang.
Natalo nga ang Lakers sa Game 1 dahil na rin sa pangunguna ng katunggaling big man ni Davis na si Nikola Jokic para sa Nuggets, na nasubok talaga ang depensa rito ni Davis.
Maganda naman ang inilaro ni Davis, na siya nga ay nakapagtapos na may 40 points, pero ang pagdepensa niya kay Jokic ay medyo nagkaroon ng butas, dahil si Jokic ay nagtapos naman na may triple-double sa game, 34 points, 21 rebounds at 14 assists.
Matapos nga ang isinagawang film session ng Lakers, mga KaDribol, inako ni Davis ang pananagutan sa kanilang naging pagkatalo sa pagbubukas ng conference finals.
Binigyang diin ni Davis na aalamin niya kung papaano na mas makakatulong sa kanilang koponan pagdating sa depensa, kung ito man ay maging one-on-one kay Jokic o manggagaling sa pagtulong niya na mapigilan ang mga gagawing plays ng kalaban.
Ito nga raw ang dahilan kung bakit siya ay binabayaran ng malaki, kaya kailangan daw na malaman at masolusyunan niya iyon.
Hindi pa nga natin malalaman pa sa ngayon kung anong pagbabago ang gagawin ni Davis, mga KaDribol, at walang duda naman na kailangan niyang mas maging mahusay pa sa pagdepensa kaysa sa naipakita niya n'ung Game 1, kung gusto ng Lakers na makasungkit ng isang panalo sa road.
Marami nga sa mga fans ang nagsasabi na gawing starter ng Lakers si Rui Hachimura upang siya ang tatao kay Jokic, gaya nang ginawa nila n'ung second half nang Game 1, kung saan nakagawa ang Lakers ng pagbalik sa game.
Sabihin man natin na gagana nga iyon, mahalaga pa rin na makuha ni Davis ang pagkontrol sa depensa at gawing mahirap ang lahat para sa Nuggets mula simula hanggang pagtatapos.
Dahil hindi lamang si Jokic ang dapat alalahanin ng Lakers, kundi ang kabuoan ng koponan ng Nuggets.
Ano ang masasabi niyo dito, mga KaDribol?
Sino kaya ang makakakuha ng Game 2, ang Lakers na ba o ang Nuggets pa rin?
Sama-sama nating panoorin iyan sa darating na Biyernes, May 19, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Comments
Post a Comment