Ito ang paniniwala ni Draymond Green patungkol sa kung sino dapat ang naging East Finals MVP.
Ito ang paniniwala ni Draymond Green patungkol sa kung sino dapat ang naging East Finals MVP.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong video ni Victor Wembanyama na nagba-viral ngayon.
Pinag-uusapan na naman ngang muli itong no.1 projected pick ng San Antonio Spurs na si Victor Wembanyama.
Matapos na siya ay magpamalas ng kaniyang abilidad sa pagdunk ng bola na hindi kadalasang nakikita sa kagaya niya na mataas na player, mga idol.
Sa video na nagba-viral na ngayon, makikita itong si Wembanyama na nagwawarm up kasama ang kaniyang koponan na Mets 92 bago magsimula ang game.
Nang biglang nagpamalas itong si Wembanyama ng isang between-the-legs dunk matapos na ihagis ang bola sa backboard.
At dahil do'n, marami sa mga fans ng NBA at mga fans ng Spurs ang napa-wow sa ginawa na iyon ni Wembanyama.
Dahil sa isang player na may taas na 7-foot-5, hindi madaling magawa iyon, mga idol.
Oo, madali para sa taas niya ang magdunk, pero ilan na ba ang nakita natin na may taas na kagaya niya ang nagdunk ng between-the-legs ng walang kahirap-hirap, meron ba?
Magaganap na nga ngayong June ang 2023 NBA Draft, kaya ilang araw na lang ang hihintayin natin bago nating tuluyang makita na ang pagpasok ni Wembanyama sa NBA, at pagsapi niya sa koponan ng San Antonio Spurs.
At base na rin sa nakikita sa kaniya, sulit na sulit ang ating paghihintay, lalo na ang paghihintay ng San Antonio Spurs at mga fans nila.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol.
At para naman sa paniniwala ni Draymond Green patungkol sa kung sino dapat ang naging East Finals MVP.
Una sa lahat, salamat sa mala-bayaning paglalaro ni Jimmy Butler sa serye nila sa Eastern Conference Finals, at dahil do'n, siya ang itinanghal na Most Valuable Player sa Eastern Conference.
Pero may mga naging usap-usapan na si Caleb Martin daw dapat ang nakatanggap no'n at hindi si Butler.
At sa inilabas daw ng botohan, dalawa lang daw ang lamang ni Butler kay Martin, upang makuha sana ni Martin ang award imbes na si Butler ang nakakuha, mga idol.
At ngayon nga ay ibinahagi na ni Draymond Green kung sino sa palagay niya ang karapatdapat na itinanghal na MVP sa East Finals, at para sa kaniya, mas deserve daw ni Martin ang maging MVP kaysa kay Butler.
Kung nabigyan daw siya ng pagkakataon na bumoto, ang iboboto raw niya ay si Caleb Martin para sa MVP, ang sabi ni Green, dahil naging consistent daw si Martin buong serye, kaya dapat daw sa kaniya naiaward iyon.
Pero hindi naman daw niya sinasabi na hindi deserve ni Butler na maging MVP, deserve raw iyon ni Butler, kundi ang ibig lang daw niyang sabihin ay karapat-dapat din si Martin sa ganoong conversation.
Totoo naman ang sinabi ni Green, dahil maganda naman talaga ang inilaro ni Martin sa kanilang seven-game war laban sa Boston Celtics, mga idol.
Siya ay nag-averaged ng 19.3 points, 60.2 percent shooting mula sa field, 6.4 rebounds at 1.7 assists, na may kasama pang 3.1 triples per game at 48.9 percent shooting mula sa tres.
Sinabi rin ni Green na maging si Butler daw ay alam na alam na mas deserve ni Martin ang maging MVP, at mas naging masaya raw sana si Butler kung si Martin ang nakakuha no'n, gano'ng klaseng tao raw itong si Butler, dagdag pa ni Green.
Pero wala na tayong magagawa pa rito dahil kay Butler na nga naiaward ang parangal, at siguro ngayon, ang nasa isip na nina Butler at Martin, maging ang kabuoan ng Miami Heat, ang kung papaano mahahawakan ang tropeo ng kampeonato sa NBA.
Kaysa pakinggan pa ang mga debatehan ng kung sino ba talaga ang dapat na naging Eastern Conference Finals MVP, mga idol.
Ang Game 1 sa sagupaang Miami Heat at Denver Nuggets ay magaganap sa darating na Biyernes, June 2, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
Comments
Post a Comment