Ito ang pangako ni Lonnie Walker IV patungkol sa aasahan sa kaniya sa susunod na season.



Ito ang pangako ni Lonnie Walker IV patungkol sa aasahan sa kaniya sa susunod na season.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging mensahe ni Kyrie Irving patungkol sa naging kontrobersiyal na IG post ni Ja Morant.

Muli na naman ngang pinag-usapan itong si Ja Morant ng Memphis Grizzlies matapos na siya ay magpost sa Instagram, mga KaDribol.


May isa kasi sa ipinost ni Morant na may isang salita sa isa sa mga larawan na nandoon na nagsasabing "Bye" o "Paalam."

Kaya naman ngayon, ang guard ng Dallas Mavericks na si Kyrie Irving ay nagbahagi ng kaniyang saloobin patungkol sa sitwasyon ni Morant, at tinignan na pagkakataon na niya ito na sabihin ang katotohanan.

Nagpaabot ng isang malakas na mensahe itong si Kyrie sa pamamagitan ng IG Live na tinatalakay ang kasalukuyang sitwasyon ni Morant at ang mga epekto nito, mga KaDribol.


Anomang kulay ka man daw, anoman ang paniniwala, anomang relihiyon ka nandoon, lahat daw tayo ay nangangailangan ng pag-aaruga, ang sabi ni Kyrie.

Dapat daw mas bigyan natin ng panahon ang ating pamilya, at alisin ang belo ng teknolohiya, ihinto ang pagkontrol ng teknolohiya sa ating kaisipan, at itigil na ang kahangalan na ito.

Lumabas daw siya at magpaaraw, mga KaDribol, ibaba ang kaniyang sarili, pag-aralan kung ano kahulugan ng kapayapaan at kaisipan at manalangin sa Dios, dagdag pa ni Irving.


Hindi na nga bago pa sa ganito itong si Kyrie dahil siya rin mismo, pinagdaanan na niya ang mga ganitong kontrobersiya.

At naging isang malakas na tagapagtaguyod na nga itong si Kyrie ng mental health sa NBA, at ang mensahe niya ay parang nagpapahiwatig na si Morant ay may pinagdadaanan sa mga bagay na ito.

Ang mensahe nga ni Kyrie kay Morant ay babala rin, hindi lang sa mga manlalaro ng NBA, mga KaDribol, kundi ito ay aplikable rin sa mga fans.


Ayon kay Irving, na ang kalusugang pangkaisipan at pangkalahatang kagalingan ng isang tao ay dapat na pangunahing priyoridad para sa bawat indibidwal.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?

At para naman nga sa pangako ni Lonnie Walker IV patungkol sa aasahan sa kaniya sa susunod na season, mga KaDribol.


May maganda ngang naging season itong si Lonnie Walker IV sa Los Angeles Lakers.

Matapos na siya ay halos naging starter sa kabuoan ng regular season, bigla siyang nawala sa rotation, nang gumawa ang Lakers ng mga pagbabago sa trade deadline.

Sa kabila ng pagbaba ng kaniyang gampanin, mga KaDribol, siya ay palaging naging handa, at nagbunga naman iyon sa kaniya ng maganda, at nagkaroon pa nga siya ng hindi malilimutang performance sa playoffs laban sa Golden State Warriors sa ikalawang round.


Matapos na hindi nga siya nabigyan ng minuto sa Game 1 laban sa Warriors, sinamantala naman niya ang naging mga minuto na ibinigay sa kaniya sa Game 2 at Game 3, at pagsapit nga ng Game 4, doon na nga lumabas ang kaniyang magandang paglalaro.

Pinangunahan niya ang Lakers sa isang panalo laban sa defending champs matapos na siya ay umiskor ng 15 points sa fourth quarter, sa isang mahalagang laban.

At salamat sa isang pagpupursige na iyon ni Walker dahil tumatak iyon sa mga fans, mga KaDribol, na ngayon ay umaasa na sana ay muli nilang makikita itong si Walker sa roster ng Lakers sa susunod na season.


Matatapos na nga kasi ang kontrata ni Walker sa darating na summer at siya ay magiging unrestricted free agent na sa offseason, at sa puntong ito, ang kaniyang future sa Lakers ay wala pang katiyakan.

Pero nagbigay naman si Walker ng isang pangako sa kung ano ang aasahan natin sa kaniya, kung ito man ay sa Lakers o sa iba na.

Naiisip daw niya na may kakayahan siya na maging isang bagay dito sa liga, kaya asahan na raw natin na paparating na ang maganda sa kaniya, ang sabi ni Walker, mga KaDribol.


Sinabi din niya na naabot niya ngayong season ang mahalagang paglago sa loob at sa labas ng court, at base na rin sa nakita natin sa kaniya, mahirap namang tutulan ang mga sinabi na ito ni Walker.

At dahil doon sa magandang naipakita ni Walker, panigurado makakakuha siya ng isang magandang kontrata sa darating na summer, kung ito man ay sa Lakers pa rin o sa iba nang koponan.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.