Ito ang naobserbahan ni Magic Johnson sa pagkatalo ng Lakers sa Game 2 laban sa Warriors.
Nalalaman nga ni Magic Johnson ang eksaktong dahilan kung bakit natalo ang Los Angeles Lakers sa Golden State Warriors n'ung Game 2, mga KaDribol.
At dahil d'un, gusto niya na si LeBron James at mga kasama niya ay maging handa na para sa Game 3 kung ayaw nila na mahuli sa serye.
Matapos na mapanood niya na magdusa ang Lakers sa pagkatalo nila sa Warriors sa score na 127-100, agad na nagtungo si Magic sa Twitter upang ibahagi ang kaniyang naging obserbasyon sa laban.
Bukod sa binigyan niyang kredito ang naging game plan ng Warriors at ng tahimik na pagkabayani ni JaMychal Green, mga KaDribol, binigyang pansin din niya ang naging depensa ng Warriors sa loob ng paint, na malaki ang nagawa sa laban.
N'ung Game 1, nagawa ng Lakers kung saan sila malakas, ang dominahin ang painted area, at si Anthony Davis nga ay sumiklab sa game na nagresulta sa kaniyang 30 points, 23 rebounds at 4 blocks.
Pero sa Game 2, si AD ay nagtapos na meron lamang 11 points at 7 rebounds, na napakalayo sa naging performance niya n'ung Game 1.
Nakagawa raw si Coach Steve Kerr ng magandang adjustments sa opensa, mga KaDribol, na inilagay niya si JaMychal Green sa line up upang maiispread ang court, at ma-iadjust ang kanilang opensiba, at nailayo pa nila ang Lakers sa painted area, pagpapaliwanag ni Magic Johnson.
Pagkatapos ay pinaalalahanan ni Magic ang Lakers na kailangan nilang makasagot sa ginawang adjustments ng Warriors kung ibig nilang manalo.
Malinaw naman ang advice ni Magic sa Lakers, dapat talagang may gawin sila, lalo na at tinambakan sila ng 27 points, at naghabol pa nga sila ng 32 points na kalamangan ng Warriors.
Maglalaro nga ang Lakers sa kanilang tahanan para sa Game 3 at 4, mga KaDribol, kaya hindi magiging madali ang laban para sa Warriors dahil kasama na ng Lakers ang kanilang home crowd.
Lalo na kapag napigilan ng Lakers itong sina Steph Curry at Klay Thompson, malaking problema talaga aabutin ng Warriors.
Comments
Post a Comment