Ito ang naging sagot ni Draymond Green sa mga haters na tinatawag siya na fan ng Lakers.
Ito ang naging sagot ni Draymond Green sa mga haters na tinatawag siya na fan ng Lakers.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang natanggap na award na ito ni Stephen Curry na 2022-2023 Kareem Abdul-Jabbar Social Justice Champion.
Kung gaano nga kagaling na player itong si Stephen Curry, mga idol, ganoon din siya pagdating sa labas ng court.
Hindi lang sa marami ang nagagawa ni Curry sa kumunidad gamit ang kaniyang Eat. Learn. Play Foundations na tumutulong sa mga kabataan ng Oakland, kundi nagiging boses din siya para sa mga kumunidad sa buong bansa.
Bilang resulta ng kaniyang pagpupursige na gawing mabuti ang mundong nakapaligid sa kaniya, siya ay ginawaran ng liga ng 2022-2023 Kareem Abdul-Jabbar Social Justice Champion.
Gaya na lang nu'ng nakaraang Linggo, na si Curry ay naparangalan ng 2023 J. Walter Kennedy Citizenship Award ng Professional Basketball Writers Association, mga idol.
Nakatanggap si Curry ng $100,000 na galing sa NBA, at sa kaniyang pangalan, pinili ni Curry ang University of San Francisco Institute for Nonviolence and Social Justice bilang kaniyang beneficiary.
Gusto raw ni Curry ang ginagawa ng University of San Francisco Institute for Nonviolence and Social Justice at ang commitment nila na ma-overcome ang injustice at systemic violence sa pamamagitan ng kapayapaan, ang sabi ni Curry.
Bilang atleta, mga idol, patuloy daw na ginagamit ni Curry ang kaniyang plataporma upang mapalakas ang kaniyang adbokasiya at matugunan ang malaganap na isyu ng systemic racism.
At naniniwala raw itong si Curry na kailangan na may boses tayo sa social media at sa totoong buhay, at gumawa ng mga aksiyon na makakaapekto sa totoong pagbabago sa ating society at para sa susunod na henerasyon, dagdag pa ni Curry.
Ang apat pa na naging finalist para sa Kareem Abdul-Jabbar Social Justice award ay sina Jaren Jackson Jr. ng Memphis Grizzlies, Tre Jones ng San Antonio Spurs, Chris Paul ng Phoenix Suns at si Grant Williams ng Boston Celtics.
At ang lahat ng apat na finalist ay nakatanggap ng $25,000 na donasyon galing sa NBA para sa kani-kanilang napiling organisasyon.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol.
At para naman nga sa naging sagot ni Draymond Green sa mga haters na tinatawag siya na fan ng Lakers, mga idol.
Nawalis nga ang Los Angeles Lakers ng Denver Nuggets sa West Finals, at si Draymond Green ay sinabi na siya ay fan ng Lakers at disappointed siya na makita na nalaglag na sa playoffs ang Lakers.
At dahil doon, marami ang nagsabi nang malaglag na ang Lakers na hindi raw gagawa ng podcast itong si Green patungkol doon.
At ang naging sagot ni Green ay, siya raw ay naglalaro para sa Golden State Warriors, mga idol, at may ilang mga tao raw na kaawa-awa, at gusto ang mga paniniwala na pinababayaan nilang paniwalaan ng kanilang mga sarili.
Kaya't naiintindihan daw ni Green kung bakit ang buhay ay hindi ganoon kaganda, at ito raw ay dahil sa mga paniniwala na hinahayaan nilang pumasok sa kanilang kaisipan patungkol sa isang tao.
Iyon daw ay magiging repleksiyon ng kung ano ang pinaniniwalaan at iniisip nila sa sarili nila, at kung papaano nila pinapagana iyon at iniisip, ang sabi ni Green.
Alam naman natin na tinapos ng Lakers ang kanilang koponan sa playoffs, mga idol, pero matagal na rin naman nga siya na nagbibigay ng mga komplimentaryo sa Lakers, lalo na kay LeBron James sa mga nagdaan.
Pero ngayon, para sa kaisipan ni Green, ang mga fans na bumabatikos sa kaniya ay sumusobra na.
Inisip daw ni Green na mukhang isang bagay na nakakapagbigay ng interes ang mga sinasabi ng mga tao na, "Natalo ang Lakers at ayaw ni Draymond na pag-usapan ang patungkol doon, dahil nasasaktan siya."
Pero ang totoong dahilan daw no'n ay nasa bakasyon kasi siya at nagmamargarita, margarita na gawa na may Lobos tequilla, na talagang 'di raw kapani-paniwala, mga idol.
Kaya ang masasabi lang daw niya sa lahat, tagay pa.
Mukhang ine-enjoy talaga ni Green ang kaniyang offseason, sa kabila ng mga spekulasyon na kung magbabalik pa ba siya sa Warriors o hindi na.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
Comments
Post a Comment