Ito ang naging sagot ni Andre Iguodala sa mga nagtatanong kung magreretiro na nga ba siya.
Wala ngang naging epekto itong si Andre Iguodala para sa Golden State Warriors nitong postseason, mga idol.
Pero kahit na ba ganoon, si Iggy ay may malaking ginampanan sa naging magandang chemistry na nabuo ng Warriors, kaya naman, ang kanilang mga tagasunod ay gusto nang malaman kung magbabalik pa ba siya sa Warriors sa susunod na taon.
At sa podcast ni Iguodala na Point Forward, kasama si Evan Turner ay nagbigay ng update itong si Iggy patungkol sa katanungan na iyon, kung maglalaro pa rin ba siya sa Warriors sa susunod na season.
Sabi ni Iguodala, mga idol, maganda raw talaga na naipapahayag niya ang kaniyang sarili, dahil nakakairita na raw kung minsan na ang mga tao ang gumagawa ng desisyon para sa kaniya.
Alam naman daw ng lahat kung kanino manggagaling ang pagdedesisyon, manggagaling daw iyon sa kaniya lamang, kaya wala raw nakakaalam kung ano ang gagawin niya sa susunod.
Sa pahayag na ito ni Iguodala, halatang wala pa siyang ipinapangakong anoman kung ano ang gagawin niya pagkatapos ng season na ito.
Isa pa sa naging usapin dito ay 'yung patungkol d'un sa ipinost niya sa kaniyang Twitter na may sinabi siyang "No," mga idol, na wala ngang nakakaalam kung para saan ang salitang "No" na iyon, kung saan ba tumutukoy ang salitang iyon.
At ngayon nga ay tinapos na niya ang mga samo't-saring iniisip ng ilan, nang sabihin niya, na anomang desisyon sa kaniyang paglalaro sa hinaharap ay manggagaling lamang sa kaniya at hindi kung kanino na lang.
Kung magdesisyon na si Iguodala na huminto na sa paglalaro, maganda ang ipinagtapos ng istorya ng kaniyang karera sa NBA.
Nakapaglaro na siya ng 19 seasons, karamihan doon ay sa Philadelphia 76ers at sa Warriors, mga idol, at ang pinakamaganda niyang taon bilang indibidual ay doon sa koponan ng Sixers.
Sa season ng 2007-2008, siya ay nag-averaged ng 19.9 points, 45.6% shooting sa loob ng 82 games.
At nang siyang mapunta na sa Warriors, siya ay naging isang role player na eksaktong hinihiling sa kaniya ni Steve Kerr at ng buong koponan.
Dalawang taon siya nahiwalay sa Warriors, at napunta siya sa koponan ng Miami Heat, mga idol, taong 2019 hanggang 2021, at nagbalik siya sa Warriors sa season ng 2021-2022.
Kung sakaling tapos na nga kay Andre Iguodala ang kaniyang karera sa NBA, nagawa naman na niya ang higit sa magagawa siguro ng isang taong naglaro ng basketball.
Pero ang mga fans ng Warriors ay umaasa pa rin na may kaya pa siyang maibigay para sa pagbabasketball, at gusto nila na muli nilang makita itong si Iguodala sa susunod na season na suot pa rin ang jersey ng Warriors.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol.
Comments
Post a Comment