Ito ang naging reaksiyon ni Magic Johnson sa naging pagkatalo ng Lakers sa Game 1.



Hindi nga napigilan ni Magic Johnson ang kaniyang sarili na magkumento sa naging performance ng Los Angeles Lakers, mga KaDribol, matapos na matalo ang Lakers sa Game 1 laban sa Denver Nuggets.

Sa kaniyang mga tweets, makikita ang naramdamang kabiguan ni Magic Johnson sa pagkatalo na iyon ng Lakers, habang ipinunto ang ilang mahahalagang mga bagay.

Binigyang pansin ni Magic na si Nikola Jokic at ang Nuggets ay nakontrol daw ang rebounds at ang fastbreak points ng laban.


Totoo naman ang sinabing iyon ni Magic dahil ang Lakers ay nagkaroon lamang ng 30 rebounds habang ang Nuggets naman ay nakakuha ng 47 rebounds, mga KaDribol.

Ang nagpalala pa dito, ang Lakers ay nakakuha lamang ng limang offensive rebounds, samantalang ang Nuggets ay nakakuha ng 15 offensive rebounds.

Maging sa defensive rebounds, nakalamang din ang Nuggets sa Lakers, 32 defensive rebounds sa Denver habang ang Los Angeles naman ay meron lamang 25 defensive rebounds.


Kaya tama naman ang lahat ng sinabi na iyon ni Magic Johnson, mga KaDribol, nakontrol talaga ng Nuggets ang rebounding.

Pinuri rin naman ni Magic Johnson si Anthony Davis dahil sa kaniyang 40 points sa game, pero dahil sa natalo sila sa game, nawalan lang daw ng saysay ang points na iyon ni Davis.

Sa panahong kinakailangan ni LeBron James ng katulong sa game, malaki talaga ang nagawa ni Davis upang makalapit sila ng bahagya sa game.


Binigyang pansin din ni Magic ang naging pagkukulang ng dalawang point guards ng Lakers sa scoring na sina D'Angelo Russell at Dennis Schroder, na nagkaroon lamang ng pinagsamang 14 points, mga KaDribol.

At sa mga huling sinabi ni Magic, malamang sasang-ayon ang mga fans ng Lakers doon, na kailangan daw ng Lakers na mag-regroup at linisin ang ilang mga bagay para sa Game 2.

Ginawa naman ng Lakers ang makakaya nila upang makabalik sana sa game, pero ang magandang opensiba nina Jamal Murray at Nikola Jokic ang nagpahirap ng lubha sa Lakers, at nagtapos nga ang game na panalo ang Denver sa score na 132-126.


Hindi naman na kataka-taka ito dahil ang Nuggets ang may hawak ng pinakamagaling na opensa sa NBA ngayon, mga KaDribol.

Ang Game 2 sa laban ng Lakers at ng Nuggets sa West Finals ay magaganap sa darating na Biyernes, May 19, 8:30 ng umaga, Pinas time.

Makabawi kaya ang Lakers sa Game 2 at maitabla nila ang serye sa 1-1, o magawa ng Denver na mauna na sa serye na tangan ang 2-0 na kalamangan, bago tumungo sa balwarte ng Los Angeles Lakers.


Ano ang masasabi niyo dito, mga KaDribol?

Narito ang naging score at stats sa Game 1 ng sagupaan ng Lakers at Nuggets sa West Finals.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.