Ito ang naging reaksiyon ni Austin Reaves matapos na matalo ang Lakers sa Game 2 laban sa Nuggets.



Hindi nga makakalayo ang Los Angeles Lakers ngayong season kung hindi dahil kina LeBron James at Anthony Davis, mga KaDribol.

At sa naging laban nila sa Game 2 sa West Finals laban sa Denver Nuggets, ang dalawa ay kapuwa nahirapan sa kanilang paglalaro.

Maraming itinirang sablay na 3-pointers itong si LeBron at nagkaroon din siya ng mga tira sa loob ng pintura na madali namang maipasok, subali't naisablay niya.


Maging si Davis, mga KaDribol,  wala ang kaniyang shooting touch sa game na iyon, na siya ay nagkaroon lamang ng 4-for-15 shooting mula sa field.

Pero kamuntikan pa ring manalo ang Lakers sa isang ito, dahil na rin sa magandang paglalaro nina Austin Reaves at Rui Hachimura.

Si Hachimura ay nagtapos na may 21 points, sa kaniyang 8-of-10 shooting mula sa field, pero si Reaves ang nagbigay sa Lakers ng katatagan sa buong game.


May nagawa pa nga itong si Reaves na isang pabandang 3-pointer habang paubos na ang shot clock sa may bandang dulo ng fourth quarter, mga KaDribol.

Pero sa huli, hindi pa rin naging sapat iyon, at sila nga ay tinalo ng Nuggets sa score na 108-103, at ngayon ay 0-2 na sila sa serye, na hindi magandang simula para sa isang koponan na lumalaban sa Nuggets.

Gayun pa man, si Austin Reaves ay nakatingin na sa pagkakataon nilang makabawi sa harapan ng kanilang mga fans sa kanilang tahanan, sa Crypto.com arena, sa Game 3 at Game 4.


Hindi raw sila dapat panghinaan, alam daw nila na ang Denver ay number one seed at isang magaling na koponan, mga KaDribol, at nagawa raw ng Nuggets ang dapat nilang magawa sa kanilang tahanan, at hindi raw nila nagustuhan iyon.

Sana raw ay nakakuha sila ng isa o dalawang panalo sa road, pero hindi nga nila nagawa iyon, kaya kailangan na nilang maghanda para sa Game 3 at tignan kung ano ang ginawa nila, ano ang gumana, ano ang hindi, at kung saang lugar sila mas magaling sa naging paglalaro nila n'ung Game 2.

Panonoorin daw nila ang mga iyon at magpapatuloy, at kung pwede lang daw na maipanalo nila ang lahat, gagawin daw nila, pero hindi raw ganoon ang nature ng sport.


Naniniwala rin itong si Reaves na mapapaunlad pa nila ang ilang mga bagay sa kanila, mga KaDribol, lalo na ang kanilang depensa, at ang magpatuloy, ang mas lalong kailangan nila dahil malayo pa raw ang serye, paniniwala rin ni Reaves.

Palagi raw mayroon sa bawa't laro na mga sitwasyon na kung titignan nilang pabalik at makakapag-isip sila, gaya ng kung ito sana ang ginawa namin kaysa dito, nagkaroon sana kami ng kalamangan na anim o walong puntos, dagdag pa ni Reaves.

Halos naging maganda naman daw ang kanilang ginawang pagdepensa, maliban lang doon sa ilang possessions kung saan nakabuslo ng ilang mga tres ang Nuggets.


Pero gaya nga raw ng sinabi ni Reaves, mga KaDribol, kailangan na nilang mag-move on mula doon.

Ang susunod na pagkakataon ng Lakers na makakuha na ng panalo sa serye nila laban sa Nuggets sa West Finals ay sa Game 3, sa darating na Linggo, May 21, 8:30 ng umaga, Pinas time.

Makakuha na kaya ng panalo ang Lakers, o madadaig pa rin sila ng lakas at bilis ng Nuggets?


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.