Ito ang naging paniniwala ni Magic Johnson sa naging panalo ng Lakers sa Game 3 laban sa Warriors.



Nalalaman nga ni Magic Johnson na ang free throw ang naging dahilan, mga KaDribol, kung bakit nadomina ng Los Angeles Lakers ang Game 3 laban sa Golden State Warriors.

Gayun pa man, kabaliktaran sa paniniwala ng mga haters, para kay Magic, karapat-dapat lang daw ang mga free throws na nakuha ng Lakers.

Natalo nga ang Warriors nitong Linggo sa score na 127-97, na si Anthony Davis ang kumamada para sa Lakers, at nagtapos na may 25 points, 13 rebounds, 3 assists, 3 steals at 4 blocks.


Habang ang Warriors ay naging matumal sa kanilang mga tira sa tres, mga KaDribol, pero ang naging malaking kaibahan talaga sa game ay walang iba, at walang kaduda-duda, ay ang agwat ng free throws ng magkabilang koponan.

Ang Lakers ay nagkaroon ng 37 free throw attempts at naipasok nila doon ay 28, habang ang Warriors naman ay nagkaroon lamang ng 17 free throws attempts, at 12 naman ang naipasok nila doon.

Dahil dito, marami sa mga fans ng Warriors ang nagsasabi na ang naging laban n'ung Game 3 ay laban sa pagitan ng Warriors at ng mga referees, Warriors vs. referees daw ang naging labanan.


At dahil daw sa layo ng agwat ng kanilang mga tira sa free throw, mga KaDribol, imposible raw talaga na matatalo ang Lakers sa Game 3.

At para naman kay Magic Johnson, kaya naman daw nagkaroon ang Lakers ng maraming tira sa free throw ay dahil sa patuloy nilang pag-atake sa loob.

Maging ang depensang ginawa ng Lakers na nagpahirap sa Warriors, lalo na sa may 3-point line ay pinuri rin naman ni Magic.


Totoo naman iyon, mga KaDribol, kulang kasi ang Warriors sa big men upang dumipensa sa loob, kaya ang nangyayari, foul ang inaabot nila sa loob ng paint ng tuloy-tuloy.

Isang dahilan din iyon kung bakit si Anthony Davis ay nagkaroon ng labing-dalawang tira sa free throw, at naipasok niya ang labing-isa doon.

Kailangan talaga na magawa ng Warriors na mailayo sa free throw ang Lakers, kung gusto nila na h'wag nang maulit pa uli ang nangyari sa kanila n'ung Game 3.


Pero gaya nga ng sinasabi ng karamihan, mga KaDribol, madaling sabihin iyon pero mahirap namang gawin.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.