Ito ang naging mensahe ni Magic Johnson matapos na malaglag na ang Lakers sa playoffs.



Ito ang naging mensahe ni Magic Johnson matapos na malaglag na ang Lakers sa playoffs.

Pero bago nating pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang na-break ni Nikola Jokic na triple-double playoff record ni Wilt Chamberlain.

Na break na nga ni Nikola Jokic ang record sa may pinakamaraming triple-doubles sa isang postseason, mga KaDribol, nalagpasan niya ang pitong nagawa ni Wilt Chamberlain taong 1967.


Nagawa iyon ni Jokic sa Game 4 ng sagupaang Denver Nuggets at Los Angeles Lakers.

Naabot niya 'yung triple-double sa third quarter sa kaniyang ika-sampung assists, na may kasamang 20 points at 13 rebounds sa puntong iyon ng laban.

Ang kaniyang walong triple-double para sa postseason ay nanggaling sa 14 games lamang, mga KaDribol, matapos na makadalawa siya laban sa Minnesota Timberwolves, naka-tatlo naman siya laban sa Phoenix Suns at tatlo rin sa apat na games laban sa Lakers.


Sa mga games na iyon, may dalawang pambihirang statistical performances ang nanggaling sa two-time MVP.

Nagkaroon siya ng 30-17-17 sa Game 3 laban sa Suns, habang sa opening game ng serye laban sa Lakers ay nagkaroon naman siya ng 34-21-14.

Isang pambihira ngang performance ang ma-break ang record ni Chamberlain na galing sa lalake na mas tinitignan ngayon na best player sa game, mga KaDribol, na may statistics na talaga namang malaman.


Bago ang Game 4, si Jokic ay nag-average ng 29.9 points, 13.2 rebounds at 10.1 assists per game sa playoffs ngayong season.

Ang 29.9 points na iyon ay galing sa isang mabisang 54.4% shooting mula sa field at isama pa diyan ang kaniyang mataas na 47.1% na shooting mula sa 3-point line.

Habang ang kaniyang 10.1 assists ay sinamahan ng medyo may kababaan na 3.6 turnovers per game, mga KaDribol.


Nu'ng magawa ni Chamberlain ang record, siya noon ay nag-aaverage ng 21.7 points, 9 assists at isang hindi kapani-paniwalang 29.1 rebounds, sa loob ng 1967 playoffs.

At sa mga ganoong numero, partikular na sa rebounds, kitang-kita na iba ang laruan noon, ngunit ang hindi nagbago ay ang sukdulang layunin na maaaring humantong sa gayong indibidwal na pangingibabaw.

Sa taon na iyon, mga KaDribol, pinangunahan ni Wilt Chamberlain ang kaniyang Philadelphia 76ers sa isang kampeonato, at sa ipinapakita ngayon ng Nuggets, mukhang ganoon din ang gagawin ni Nikola Jokic, ang pangunahan ang kaniyang koponan sa isang kampeonato.


Ano ang masasabi niyo rito?

At para naman nga sa naging mensahe ni Magic Johnson matapos na malaglag na ang Lakers sa playoffs, mga KaDribol.

Nagbigay nga ng isang malakas na mensahe itong si Magic Johnson pagkatapos na ang Los Angeles Lakers ay matalo sa Game 4 laban sa Denver Nuggets sa score na 113-111.

Sa game na iyon, lumaban talaga si LeBron James, na siya ay nagtapos na may 40 points, 10 rebounds at 9 assists.


Kaso nga lang, hindi talaga sila umubra kina Nikola Jokic, Jamal Murray at sa kabuoan ng Nuggets, mga KaDribol.

Si Anthony Davis naman ay nagkaroon ng 21 points at 14 rebounds, 6-of-15 mula sa field, at hindi niya nagawang mapigilan ang opensa ng Nuggets.

Samantalang si D'Angelo Russell naman na naglaro mula sa bench ay nakapag-ambag lamang ng 4 points sa loob ng 15 minutes na paglalaro.


Sina Austin Reaves at Rui Hachimura ay nagpamalas naman ng magandang paglalaro, mga KaDribol, na si Reaves ay nagtapos na may 17 points habang si Hachimura naman ay nakapagbigay sa kanila ng magandang pagdepensa at nagkaroon ng 10 points sa opensa.

Ang pagkatalo na ito ng Lakers ay nagbigay ng maraming reaksiyon sa mga fans, experts at mga legends kagaya ni Magic Johnson, na nagtweet ng ganito.

Sinabi ni Magic na meron daw ang Lakers ng tamang coach, si Darvin Ham, dalawang superstars na sina LeBron James at Anthony Davis, at mga pausbong na mga stars na sina Austin Reaves at Rui Hachimura.


Sana lang daw ay magkaroon ng magandang offseason itong si Rob Pelinka at makabuo sila sa naging run nila sa playoffs.

Hindi nga naging madali para sa Lakers ang 2022-2023 season, mga KaDribol, nagsimula sila na may 2-10 na record, lumalaban sa mga injuries at nagkaroon ng mga problema sa kanilang chemistry.

Nagkaroon sila ng pagtaas at pagbaba, mula sa paglagpas ni LeBron James kay Kareem Abdul-Jabbar sa all-time scoring list, hanggang sa pagtrade nila kay Russell Westbrook para kina Jarred Vanderbilt, D'Angelo Russell at Malik Beasley, at naitrade din nila si Kendrick Nunn para naman kay Rui Hachimura.


Naging epektibo naman para sa Lakers ang nasabing trade dahil nakapagtapos ang Lakers na may 43-49 na record, at tinalo nila ang Minnesota Timberwolves sa Play-in Tournament upang maging 7th seed sila sa West.

Sa playoffs, na bigo nila ang second seeded na Memphis Grizzlies sa anim na games, mga KaDribol, pinabagsak ang defending champs na Golden State Warriors, bago nga sila ay na sweep naman ng Nuggets sa West Finals.

Ipinakikita sa seryeng ito na ang naging huling pagbabago ng Lakers ay hindi naging sapat upang makaabot sila na makalaban sa titulo.


Ngayon si Rob Pelinka at ang kabuoan ng front office ng Lakers ay magkakaroon na naman ng isang matrabahong offseason sa pag-asa na makabuo sila ng roster na magdadala sa kanila na makalaban na para sa isang kampeonato.

Magsisimula sila sa mga katauhan nina LeBron James, Anthony Davis, Austin Reaves at Rui Hachimura, mga KaDribol, gaya nga ng sinabi ni Magic Johnson, na sina Reaves at Hachimura ay naipakita naman na, na angkop sila para sa dalawang superstars ng Lakers.

At ito ngang si Reaves ay nagpapakita rin naman ng mga senyales ng pagiging susunod na superstar para sa Lakers sa mga taon pang darating.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.