Ito ang mga natutunan ni Kevon Looney kay Draymond Green pagdating sa paglalaro ng basketball.



Malaki nga ang naitulong ni Kevon Looney sa Golden State Warriors habang sila ay nasa playoffs pa ngayong taon, mga idol, pero hindi pa rin naging sapat iyon upang makalagpas sila sa Los Angeles Lakers.

Dahil sa mga nagawa niya para sa Warriors, mananatili siyang kabahagi para sa future ng Warriors, at base na rin sa mga natutunan niya kay Draymond Green, gusto din niya na manatili pa rin sa Warriors itong si Green.

Marami raw natutunan itong si Looney kay Green sa magkabilang dulo ng court, at sa posisyon daw ni Green, si Green daw ang pinakamagaling mamasa sa liga.


Ang kakayahan daw ni Green na gumawa ng mga screens at mga dribble handoffs, mga idol, at gawing kasangkot ang iba niyang mga kasama sa laro, iyon daw ang pinagtutuunan ng pansin ni Looney buong career niya.

Kung papaano raw gumawa ng mga pocket plays at kung kailan pababagalin o kailan itutulak ang plays, iyon daw ang mga iniaaral ni Looney, na galing kay Green.

Binigyang diin din ni Looney na si Green daw ang susi sa pagtuturo sa kaniya ng maliliit na bagay na hindi binibigyang pansin ng iba.


At iyon ay para sa opensa pa lamang, at sinugurado rin naman ni Looney na mabigyang diin din niya ang mga naituro sa kaniya ni Green pagdating naman sa depensa, mga idol.

Sa depensa raw ay tinuruan siya ni Green ng terminology, kung papaanong makipag-communicate ng maayos, kung papaanong mapunta sa tamang pwesto at pag-aralan ang iba't-ibang ugali ng bawa't manlalaro, at kung papaanong magbantay ng mas mahusay sa poste.

Sa mga naging pahayag na ito ni Looney, ipinakikita niya ang mataas na pagrespeto niya kay Green, at kakaunti na lang daw sa mga nalalaman ni Green sa paglalaro ang hindi niya naituro kay Looney habang sila ay nasa Warriors.


At ang ganitong klaseng chemistry na nabuo, gaya ng kina Stephen Curry at Klay Thompson ay ang nagdala sa kanila, at naging malaking dahilan kung bakit nakakuha na sila ng apat na titulo sa nakalipas na dekada.

Ano ang masasabi niyo rito, mga idol.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.