Ito ang mga dahilan kung bakit kailangan nang i-trade ng Warriors si Jordan Poole.



Medyo nagiging magulo na ang paglalakbay ni Jordan Poole na suot ang uniporme ng Golden State Warriors, mga idol.

At ang tatlong taon niya sa liga, hindi pa rin naging sapat iyon upang maihanda siya sa kung ano ang parating sa pagsisimula ng 2022-2023 season.

May isang pangyayari pa nga bago magsimula ang season, nagkaroon ng pagtatalo sina Draymond Green at Jordan Poole, na humantong pa nga na sapakin ni Green itong si Poole.


Hindi nga naging malinaw ang detalye kung bakit ginawa iyon ni Green kay Poole, mga idol, pero ayon sa mga marites, dahil daw iyon sa naging sitwasyon ng kontrata ni Green sa Warriors.

Habang sinabi naman ni Green na may pinagdadaanan siyang mabigat kaya hindi niya napanghawakan ng tama ang sitwasyon.

Anoman ang kaso dito, malinaw lang na ang Warriors bilang isang koponan ay hindi na nagawang makabangon pa sa naging alitang iyon.


Si Jordan Poole naman ay patuloy na naging hindi pareho-pareho ang paglalaro sa buong season, mga idol, hanggang sa umabot pa nga iyon sa naging serye nila sa playoffs laban sa Los Angeles Lakers.

Kaya hindi tuloy siya makapanatili sa loob ng court dahil sa hirap siyang makaiskor, at hindi naman siya gaya nina Klay Thompson at Andrew Wiggins na kahit na ba hindi makaiskor eh siguradong makakakuha pa rin ng maraming minuto sa loob ng court, hindi siya gaya nila.

Matapos nga ng mala-All-Star na katayuan ni Poole sa season ng 2021-2022, ngayon ay biglang naglaho ang lahat ng iyon.


At talagang nawala si Poole n'ung playoffs, mga idol, at heto na, pagkatapos n'un, papasok pa siya sa susunod na season na tangan ang max extension contract.

Kaya mas mahihirapan na ngayon ang Warriors na palakasin ang lalim ng kanilang roster dahil sa limitado na ang kanilang assests, habang si Draymond Green naman ay posible nang malagay sa free agency.

Isa pa, nagsalita na itong si Poole patungkol sa nangyari sa kanila ni Green at hindi maganda iyon para sa Warriors.


Sinabi ni Poole na ang relasyon niya kay Green ay katrabaho lamang, mga idol, at hindi naman problema kung meron kang hindi malapit sa isa sa katrabaho mo.

Pero batay sa naging pagkakaibigan ng dalawa dati, na ngayon ay nanlamig na, dapat talagang ipag-alala ito, lalo na at mukhang kakailanganin ng mahabang panahon upang maghilom iyon.

At hindi na siguro hihintayin pa ng Warriors na dumating ang panahon na iyon, kaya ang pagtrade kay Poole ay mukhang mas mabisang paraan upang makakuha sila ng mas may halaga kaysa sa kaniya.


Pupwedeng kumausap ang Warriors ng isang koponan na lumalaban sa playoff na makapagbibigay sa kanila ng mga assets kapalit ni Poole, mga idol, dahil kahit na ba may mga sablay si Poole ngayong season, nag-aaveraged pa rin naman siya ng 20.4 points nitong nakaraang season.

Sa ibang koponan, baka lumago itong si Poole bilang isang 25 plus na scorer, dahil sa Warriors, habang si Stephen Curry pa rin ang mukha ng kanilang prankisa, hindi magkakaroon ng ganoong pagkakataon itong si Poole sa Warriors.

Pero pwede pa rin namang sumugal ang Warriors kay Poole na panatilihin pa rin siya sa kanila, at subukang magkaayos sila ni Green ng tuluyan, pero mukhang marami nang nakapaloob doon upang maisaayos pa nila iyon.


Kayo mga idol, ano ang masasabi niyo dito?

Dapat na bang i-trade ng Warriors si Jordan Poole o huwag muna?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.