Ito ang ipinangako ni Erik Spoelstra matapos na matalo ang Heat sa Game 5 laban sa Celtics.



Ito ang ipinangako ni Erik Spoelstra matapos na matalo ang Heat sa Game 5 laban sa Celtics.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi ni Jimmy Butler matapos na muli na naman silang makaranas ng pagkatalo sa serye laban sa Celtics.

Nasa panganib na nga ba ang Miami Heat ngayon, matapos na talunin sila ng Boston Celtics sa Game 5 ng Eastern Conference Finals?


Hawak pa naman ng Heat ang malaking advantage sa serye na 3-2, at ngayon nga ay tutungo sila uli pabalik sa kanilang tahanan sa South Beach para sa Game 6.

Pero hindi maikakaila na ang momentum ay nasa Celtics na sa ngayon, at si Jimmy Butler ay nananatiling walang kibo patungkol dito.

Payag si Butler sa mga nagsasabi na kinawawa sila ng Celtics sa Game 5, pero nanatili pa rin daw siyang confident na tatapusin na ng kanilang koponan ang Celtics sa darating na Linggo para sa Game 6, na magpapasimula ang laban sa oras na ikawalo't kalahati ng umaga, oras dito sa Pilipinas.


Kailangan lang daw nila maglaro ng maganda, at simulan ang game ng maganda, ang sabi ni Butler.

Kailangan din daw nilang manatiling positibo sa pagkakaalam na sila ang mananalo sa serye, at kailangan na nilang isara ang serye sa kanilang tahanan.

Hindi nga naging maganda para kay Butler at sa kabuoan ng grupo ng Heat ang naging paglalaro nila sa Game 5, habang ang Celtics ay nagpaulan naman ng kanilang mga tirada at hindi na nga huminto pa sa pag-arangkada sa laban.


Nagtapos si Butler na tangan ang kaniyang pinakamababang points sa serye na 14 points, 5-of-10 shooting sa field, 5 rebounds, 5 assists, 2 steals at 2 turnovers.

Naisablay din ni Butler ang lahat nang limang ipinukol niya mula sa tres sa game na iyon, kaya naman ang Heat ay nakaranas ng back-to-back na pagkatalo, at ngayon ay nahaharap na sa must-win na laban sa Game 6.

Hindi na dapat pang matalo doon ng Miami dahil kapag nagkayaon, ang Game 7 ay muling babalik sa tahanan ng Celtics, at mas lalong mahihirapan doon ang Heat na makuha ang panalo.


Ano ang masasabi niyo rito?

At para naman sa ipinangako ni Erik Spoelstra matapos na matalo ang Heat sa Game 5 laban sa Celtics.

Buhay pa rin nga ang Boston Celtics sa playoffs, naka-survived sila sa Game 5 laban sa Miami Heat upang magkaroon pa muli ng do-or-die contest sa Game 6 sa darating na Linggo.


At ngayon nga ay nahaharap na ang Heat sa maraming pressure matapos na matalo nga sila ng back-to-back games sa Celtics.

Pero kahit na ba ganoon ang nangyari sa kanila, confident pa rin naman itong si head coach Erik Spoelstra sa posisyong kinalalagyan nila ngayon.

Nang tanungin nga siya kung nag-aalala ba siya o hindi sa mararamdaman ng kanilang koponan matapos na matalo ng may 30 total points combined sa dalawang magkasunod na games, si Coach Spo ay mayroong mapanghamon na kasagutang ibinigay.


Sino raw ba ang may pakialam sa pakiramdam? Mayroon daw silang isang makulit na grupo, at sa palagay daw niya na masyado nang overrated iyon, ang sabi ni Spoelstra.

Ito raw ay isang competitive na serye, kaya asahan na raw na magiging hamon ang mga bagay-bagay sa Conference Finals.

Ang isang game daw ay hindi magdadala sa susunod na game, at base raw sa mga naging karanasan na nila, hindi raw mahalaga iyon sa playoffs.


Hindi raw mahalaga kung natalo sa kung ano pa man, Natalo din daw nila ang Celtics nu'ng Game 3 ng ano pa man, pero hindi rin naman naging mahalaga iyon, dagdag pa ni Spoelstra.

Ipinangako rin ni Spoelstra na ang kanilang koponan ay mas gagalingan na ang paglalaro sa darating na Linggo sa Game 6, at doon daw sila magfo-focus sa ngayon.

At kung kilala mo na si Coach Spo, makakasigurado ka na gagawin nga niya ang lahat upang maihanda ang kaniyang grupo sa gawain na paparating.


At nalagay na rin naman sa ganitong posisyon si Spoelstra sa mga nagdaan, at alam na niya kung ano ang dapat nilang gawin upang maisara na ang serye sa Game 6.

Ano ang masasabi niyo rito?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.