Ito ang ganti ni Jimmy Butler kay Al Horford bago makuha ng Heat ang panalo sa Game 3 laban sa Celtics.



Nakuha na nga ng Miami Heat ang matatag na 3-0 na kalamangan sa serye laban sa Boston Celtics, nang makuha nila ang panalo sa score na 128-100 sa Game 3.

At si Jimmy Butler ay naghagis ng mga punyal at tumawag ng timeout para sa Celtics nang magkaroon ang Heat ng run na nagpalaki sa kanilang kalamangan na 23 points.

Si Jimmy Butler ay bumaril gamit ang kaniyang mga daliri at lumuhod upang tumawag ng timeout para sa Celtics.


Ito ay ganti ni Butler kay Al Horford na ganoon din ang ginawa nu'ng Game 1 ng kanilang serye matapos na maibuslo nito ang kaniyang tres.

Nakakagulat talaga ang run na ito sa playoffs para sa Heat.

Natalo sila sa unang play-in tournament game sa Atlanta Hawks, at tinalo ang Chicago Bulls sa sumunod na game upang maging eight seed sa Eastern Conference.


Marami nga ang nag-isip na hanggang doon na lang ang Heat dahil ang makakaharap nila sa playoffs ay ang number one seed na Milwaukee Bucks.

At sa kabila na nawala sa kanila sina Victor Oladipo at Tyler Herro sa unang round, tinalo pa rin nila ang Bucks sa limang games.

At sa sumunod na round ay tinalo naman nila ang New York Knicks sa anim na games, at ngayon nga ay una na sila ng 3-0 laban sa number two seed na Boston Celtics.


Kapag nagkataon ang Heat ay magiging pangalawang eigth seed sa playoffs na makakaabot ng NBA Finals, ang unang nakagawa nito ay ang New York Knicks na natalo sa San Antonio Spurs taong 1999.

Patungkol naman sa mga selebrasyon, mukhang si Jimmy Butler ang nakakuha ng huling halakhak, dahil kakailanganin ngayon ng Celtics ng milagro upang makabalik sa 3-0 na pagkakalubog upang makaabot ng NBA Finals.

Ano ang masasabi niyo rito?


Ang Game 4 ay magaganap sa darating na Miyerkules, May 24, 8:30 ng umaga, Pinas time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.