Ito ang dahilan kung bakit si KCP ang magiging X-factor ng Nuggets laban sa Heat sa NBA Finals.
Paborito nga na manalo sa 2023 NBA Finals ang Denver Nuggets laban sa Miami Heat, hindi lang dahil sa ang Nuggets ang may best player sa kanilang magiging serye, kundi dahil mayroon din silang magagaling na role players, mga KaDribol.
Si Nikola Jokic na naging MVP na ng dalawang beses at nagkaroon ng isang dominanteng paglalaro sa playoffs, ay napatunayan na, na siya ay best player talaga sa larangan ng pagbabasketball.
Si Jamal Murray naman ay lumago bilang isang superstar na ngayon, at napatunyan na rin na ang kaniyang performance noon sa bubble ay hindi chamba lamang.
Kaya naman ang Nuggets ay aasa sa kanilang dalawang superstars upang matalo ang Heat sa Finals, pero sino kaya ang magiging X-Factor ng Nuggets?
Sina Michael Porter Jr. at Aaron Gordon ay kapuwa best role players ng Denver, pero isa ba sa kanila ang magiging NBA Finals X -Factor, mga KaDribol?
Hindi sila magqua-qualify dahil alam naman na ng Nuggets kung ano ang makukuha nila sa kanila, at ang tunay na X-Factor ay yaong hindi mo inaasahan na magko-contribute pala ng malaki sa inyong koponan.
Isang player na biglang babaguhin ang takbo ng NBA Finals at tatapos sa tyansa ng Heat kapag siya ay nagkaroon ng isang malaking serye, at si Kentavious Caldwell-Pope ay ang player na iyon para sa Nuggets.
Sa dami ng Denver na magagaling na players, si KCP ang kumumpleto ng best starting five na nakita natin sa NBA ngayon, at kapag maganda ang inilaro ni KCP, mahihirapan talagang talunin ng Heat ang Nuggets.
Si KCP din ang naging X-Factor ng Nuggets laban sa Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals, na isa sa nakatulong upang mawalis sa serye ang Lakers, mga KaDribol.
Si KCP ay nag-averaged sa West finals ng 14.8 points per game, na may 44.4% shooting mula sa tres, at maganda ang naging pagdepensa niya kay LeBron James.
Hindi rin siya palaging nagkakamali sa loob mg court, na siya ay nakapagrecord lamang ng hindi hihigit sa isang turnover sa isang game, at sa 12 playoff victories ng Nuggets, siya ay nag-averaged ng 13.2 points per game.
At sa tatlong talo ng Denver sa playoffs, si KCP ay nag-averaged lamang ng 5.7 points, at ganoon din ang istorya niya sa regular season.
Dahil si KCP ay nakapagtala ng 11.6 points, 45% shooting mula sa tres sa kanilang mga panalo, at nag-averaged naman ng 9.2 points, 36.6% shooting mula sa tres sa kanilang mga talo, mga KaDribol.
Mahihirapan na pigilan ng Miami sina Porter Jr. at Murray, at si Gordon naman ay siguradong maglalaro na may magandang pagdepensa at makakapag-ambag din naman sa scoring, at si Jokic ay asahan na natin na muli na namang magkakaroon ng malaking serye laban sa Heat.
At kapag si KCP ay makakaiskor na malapit sa 15 points per game, asahan na natin na magiging maigsi lang ang serye, at ang pagdepensa ni KCP ay magiging mahalaga rin sa NBA Finals.
Pupwedeng ilagay ng Nuggets si KCP sa pagdensa kay Jimmy Butler at kay Caleb Martin, dahil silang dalawa ang higit na aasahan ng Miami upang makapagbigay ng magandang opensa sa kanila.
Nagkaroon ng magandang paglalaro itong si Martin sa serye ng Eastern Conference Finals, at kamuntikan pa nga siyang itanghal na MVP sa serye imbes na si Butler, mga KaDribol.
Maipagpatuloy kaya ni Martin ang magandang shooting niya sa NBA Finals? hindi pa natin nalalaman iyan sa ngayon, pero isa itong mahalagang katanangun na ating abangan ang magiging kasagutan.
At para naman kay KCP, wala nang duda na kaya na niyang hawakan ang pressure ng NBA Finals, nakapasa na siya doon, tatlong taon na ang nakakalipas
Nu'ng naghanap sina LeBron James at Anthony Davis ng isang role player upang matulungan sila sa NBA bubble, si KCP ang sumagot sa pangangailangan.
Siya ang naging ikatlong leading scorer ng Lakers sa panahon na iyon, na siya ay nag-averaged ng 16 points sa huling tatlong games nilang inilaro, mga KaDribol.
Nakagawa siya no'n ng isang malaking tira sa Game 4, nang maibuslo niya ang tira niya sa tres at ang isang layup sa naging back-to-back nilang possessions, upang mai-extend pa ang kalamangan ng Lakers sa pitong puntos na may dalawang minuto na lang ang natitira sa regulation.
At paglipas ng tatlong taon, may pagkakataon muli si KCP na talunin ang Miami sa NBA Finals bilang isang super role player naman ngayon ng Nuggets.
Ang Game 1 ng sagupaang Nuggets at Heat ay magaganap sa darating na Biyernes, June 2, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol.
Comments
Post a Comment