Ito ang dahilan kung bakit perfect fit si Marcus Sasser sa Warriors bilang kanilang No.19 pick sa 2023 NBA Draft.
Ang Golden State Warriors ay kilalang-kilala sa pagbuo ng isang dynasty sa organikong paraan sa panahon kung saan ang mga superteams ay naghahari, mga idol, na umaasa sila sa NBA Draft upang mabuo ang kanilang roster.
Kaya naman napakaimportante para sa Warriors ang 2023 NBA Draft, kahit na ba wala silang lottery pick.
At sa bandang kalagitnaan ng first round pick, ang Golden State ay may magandang pagkakataon na makahanap ng kanilang future rotation player, kung sinoman iyon, syempre hindi pa natin nalalaman.
At bilang kilala na ang Warriors na isang malakas na koponan sa liga na mayroon nang mga batang players na maaring maglaro sa isang malaking role para sa kanila sa hinaharap, mukhang hindi naman na kailangan pa ng Warriors ng isa pang batang player, mga idol.
Gayun pa man, may isang player na maaring kailanganin ng Warriors kaysa sa iba kapag sila na ang pipili sa pang No.19 sa clock, at ito ay ang guard ng Houston Cougars na si Marcus Sasser.
Sa buong career ni Sasser, siya ay nag-averaged ng 14.8 points at 1.5 steals per game, habang may shooting na 37.2 percent mula sa 3-point line.
At ang pinakapaborito rito kay Sasser ay ang kaniyang skill set, mga idol, na siya ay isang 3-point shooter sa mataas na antas, 38.4 percent 3-point attemps nung nakaraang season at 36.9 percent 3-point made sa kolehiyo.
Sa huling dalawang season ni Sasser sa Cougars siya ay nagkaroon ng 39.9 percent mula sa tres, sa kaniyang 7.4 3-point attempts per game.
At dahil kilala na ang prankisa ng Warriors na ang pangunahing sandata ay ang 3-points, si Sasser ay babagay talaga sa kanilang koponan.
Lalo na at dalawa lang sa rotation players ng Warriors ang nagkaroon ng lagpas 35 percent shooting mula sa tres sa 2023 NBA Palyoffs, at ito ay ang Splash Brothers, mga idol.
Ang isang magiging problema lang dito ng Warriors ay kung may epekto bang maibibigay itong si Sasser sa Warriors, dahil ang head coach nga nila na si Steve Kerr ay nahihirapan sa pagdevelop o sa pagtitiwala sa kaniyang mga batang players.
Gayun pa man, gaya ng ibang koponan, ang Golden State ay kailangan magpalit din ng bago upang sila ay makapagpatuloy.
Kung magkaroon man ng maayos na pagkakataon itong si Sasser o hindi, ang kaniyang kakayahan ay makakatulong naman talaga sa Warriors, mga idol.
Isa pa sa maibibigay ni Sasser sa Warriors ay ang lalim ng kanilang backcourt, dahil marami nang katanungan na nakapalibot ngayon sa backcourt ng Warriors.
Isa na rito ay kung ano na ang gagawin ng Warriors sa kanilang mga guards na sina Jordan Poole at Klay Thompson, na silang dalawa ay nanggaling sa 'di kaaya-ayang paglalaro sa playoffs sa serye nila laban sa Los Angeles Lakers.
Ang biglang pagbagsak ng paglalaro ni Poole ay isa sa tinitignan ng Warriors, mga idol, na ngayon nga ang kaniyang future sa kanilang koponan ay nalalagay na sa alanganin.
Si Thompson naman ay nagkaroon ng hindi kahanga-hangang 34.3 percent shooting mula sa field, na ito ay dahil sa karamihang pagdepensa sa kaniya ni Austin Reaves ng Lakers.
Isa pa, bumaba rin ang antas ng pagdepensa ni Thompson dahil na rin sa ilan nang mga injuriea na natamo niya, at ngayon nga ay papasok na siya sa kaniyang final season contract sa 2023-2024, sa edad na trentay-tres.
At ang shooting guard na si Donte DiVincenzo naman ay magiging free agent na sa offseason, mga idol, at siya ay nagkaroon ng 37.5 percent mula sa field at 34.1 percent naman mula sa tres sa playoffs.
At ang shooting guard pa na isa na si Moses Moody ay nasa posisyon naman para sa isang contract extension pero ang kaniyang inconsistent role ay nakakaapekto sa halaga ng kaniyang kontrata, at parang ayaw na rin naman niya na manatili pa sa Warriors.
Kaya malinaw lang na kailangan ng Warriors na ayusin nila ang lalim ng kanilang backcourt, kahit na ba hindi sila gumawa ng malaking hakbang.
At ang isa pang problema ngayon ng Warriors ay ang kakulangan na nila sa pera, mga idol, na sila ay over na sa kanilang salary cap sa darating na 2023-2024 season ng $80 million.
Kaya limitado na lang ang paraan para sa kanila na magdagdag ng talent sa offseason sa labas ng draft.
Meron silang $1.3 million trade exception na mapapaso sa February 2024 at ang abilidad nila na magpapirma ng player sa minimum contract ay mawawala na rin.
Gayun pa man, mga idol, dahil sa bagong rules ng CBA, ang Warriors ay mas gugustuhin na mawala ang kanilang abilidad na magpapirma ng isang player na may taxpayer's mid-level exception, na nagkakahalaga ng $5 million.
At dahil sa mga iyon, ang Golden State ay may paraan pa rin na mai-imporve ang kanilang roster, at ang best option nila ay ang NBA Draft.
Mapapataas din nito ang kahalagahan ng paglapit nila sa pagdevelop ng kanilang mga players, at iyon ang kahalagahan ng pagdraft ng player na papasok sa NBA.
At si Sasser na apat na taong naging starter sa ilalim ng pangangalaga ng isang elite na head coach sa Houston na si Kevin Sampson, ay pasok talaga sa pangangailangan ng Warriors.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
Comments
Post a Comment