Ito ang dahilan kung bakit galit ang mga fans ng Warriors kay Jordan Poole.
Naaalala niyo pa ba, mga idol, n'ung marami ang nagsasabi na ang papalit daw kay Stephen Curry sa Golden State Warriors ay itong si Jordan Poole?
N'ung nakaraang season, mainit pa ang usapan na si Poole ang susunod na magiging cornerstone star ng Warriors, at pinaniwalaan din iyon ng pamunuan ng Golden State Warriors.
Kaya nga binigyan nila si Poole ng apat na taong extension na kontrata n'ung summer na nagkakahalaga ng $123 million.
Pero ngayon, mga idol, bakit biglang nagbago? Hindi na naging gaya ng dati itong si Poole, lalo na sa naging serye nila sa Western Conference Semifinals laban sa Los Angeles Lakers.
At kahit na ba na sabihin pa na maganda naman ang inilaro niya n'ung Game 1, kung saan siya ay pumuntos ng 21 points, at nakapagbuslo pa ng anim na tres.
Na umasa na nga ang mga fans na magiging factor siya para sa Warriors laban kay LeBron James at sa Lakers, pero ang nagyari, hanggang doon lang pala 'yun, at nagkamali ang mga fans sa hinuha nila.
Dahil matapos nang Game 1, biglang nawala na ang epekto ni Poole sa kabuoan ng serye, at nagkaroon pa siya ng bokya, n'ung Game 4, kung saan sila ay tinalo ng Lakers.
At mula sa Game 2 hanggang Game 6, mga idol, si Poole ay nag-average lamang ng 5.8 points, 30.2% shooting sa field, 2.2 rebounds, 3.8 assists, at ang mas nakakagulat pa dito ay 0.2 sa tres kada laro sa kaniyang 5.9% shooting mula doon.
1-of-17 lang si Poole sa tres sa loob ng limang games, at ang mas malala pa dito, ay ang kaniyang field goals-to-foul ratio.
Dahil si Poole ay mas marami pang nakuhang fouls kaysa sa nagawa niyang field goals, nagkaroon siya ng 14 fouls habang meron lamang siya na 13 made field goals sa limang games sa serye nila sa Lakers.
Nakakakilabot talaga ang mga iyon, mga idol, kaya isa talaga sa naging dahilan ng pagkatalo ng Warriors sa Lakers ay itong naging pangit na paglalaro ni Poole.
Pero sana ay makabangon muli itong si Poole, at matututo na siya sa mga naging pagkakamali niya, sa naging karanasan niya sa mga naging laban nila sa playoffs ngayong taon.
Upang ang mga fans na nagalit sa naging pangit niyang paglalaro ay muling maibalik ang mga pagtitiwala nila sa kaniya.
Comments
Post a Comment