Isang panalo na lang at maabot na ni PJ Tucker ang isang kahanga-hangang nagawa sa playoffs.
Maituturing nga na isang manlalakbay itong si PJ Tucker, dahil sa loob ng labing-dalawang taon na niya sa NBA, siya ay nakapaglaro na sa anim na magkakaibang koponan.
Pero kahit saan man maglaro itong si Tucker, lagi siyang may epekto sa mga panalong nakukuha nila dahil sa kaniyang katiyagaan sa depensa, sa kaniyang abilidad na makakuha ng mga offensive rebounds at leadership.
Kaya naman hindi na kataka-taka pa kung siya ay nagkaroon na ng ilang playoff runs magbuhat nang siya ay makapasok sa NBA, at muli na naman nga siyang napasok sa isang malalim na playoff run, ngayon naman ay sa koponan ng Philadelphia 76ers.
Matapos na talunin nila ang Boston Celtics n'ung Miyerkules sa Game 5 sa score na 115-103, ngayon ang Sixers ay isang panalo na lang upang makaabante na sila sa Eastern Conference Finals.
At si Tucker ay isang panalo na lang din para sa isang kahanga-hangang nagawa sa playoffs.
Kapag nanalo na ang Sixers sa kanilang serye, si Tucker ay makakaabot na sa conference finals sa apat na magkakaibang koponan, ang Houston Rockets, Milwaukee Bucks, Miami Heat at Philadelphia 76ers.
Sa edad na trentay otso, si Tucker, sa unang taon niya bilang miyembro ng prankisa ng Philadelphia ay nag-aaverage ng 3.5 points, 3.9 rebounds, 0.8 assists, 0.5 steals, 0.2 blocks at 0.6 turnovers per game, sa loob ng 75 appearances ngayong season, at lahat ng iyon, siya ay naging starter.
Medyo nag-iistruggle nga ngayong season itong si Tucker sa kaniyang scoring, at ang kaniyang 3.5 points per game ay ang kaniyang pinakamababang average magbuhat ng 2006-2007 season.
May mahalagang laban nga itong si Tucker at ang Sixers sa darating na Biyernes sa Game 6, May 12, 7:30 ng umaga, Pinas time, na gaganapin sa kanilang tahanan.
Dahil kapag sila ay natalo sa Game 6, kailangan nilang talunin ang Celtics sa Game 7 sa road, na medyo magiging mahirap na nga para sa kanila.
Kaya kailangan na itong sina Joel Embiid at James Harden ay muling pangunahan ang kanilang koponan sa Game 6 upang makuha nila ang panalo, at makaabante na sila sa Eastern Conference Finals.
Comments
Post a Comment