Isang panalo na lang ang kailangan ng Nuggets upang makaabante na sa NBA Finals, Lakers makabangon pa kaya?



May maganda na ngang 3-0 na kalamangan ang Denver Nuggets sa Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals, mga KaDribol, at mataas na ang tyansa nila na makaabante sa NBA Finals.

Isang panalo na lamang ang kailangan nilang makuha sa serye, pero hindi lang ang pag-abante sa susunod na round ang gusto nilang makuha.

Pagkatapos nga ng panalo nila sa Game 3, sinabi ni Jamal Murray na kailangan pa nila ng limang panalo sa playoffs.


Ibig lang sabihin, mga KaDribol, ang kanilang kaisipan ay nakatuon kung papaanong makukuha ang kampeonato ngayong season, at ganoon din naman ang gusto ng kanilang head coach na si Michael Malone.

Sa pangangasiwa ni coach Malone, ang Nuggets ay naging isang matatag na kalaban para sa kampeonato.

Nakaabot sila sa West Finals taong 2020, subali't hindi na sila nakapagpatuloy sa NBA Finals dahil sa mga na-injured nilang mga players na sina Jamal Murray at Michael Porter Jr.


Pero dahil sa ngayon season ay okay na silang dalawa at naidagdag pa sa kanila sina Aaron Gordon, Kentavious Caldwell-Pope at Bruce Brown, sila ay muli na namang nangibabaw sa Western Conference, mga KaDribol.

Si Murray sa ngayon ay hindi mapigilan ng Lakers, nu'ng Game 2, siya ay nagkaroon ng 23 points sa fourth quarter, at nu'ng Game 3 naman, siya ay nagkaroon ng 17 points sa first quarter at nagtapos na may 30 points sa laban.

Sa kabuoan ng playoffs, si Murray ay nag-aaverage ng kaniyang playoff career-high na 27.9 points, 5.6 rebounds, 6.2 assists at 1.6 steals.


Na may shooting splits na 47.5% shooting mula sa field, 41.2% shooting mula sa tres at 91.9% shooting naman mula sa free throw line, mga KaDribol.

Sa ganitong kataas na antas na paglalaro ni Murray, kasama ang malakas din na paglalaro ni Nikola Jokic, at ang sama-samang ambag ng kanilang supporting cast, kakayanin kaya ng Lakers na makuha na ang panalo sa Game 4?

Madala pa kaya ng Lakers hanggang Game 7 ang serye?


Makagawa kaya ng kasaysayan ang Lakers, mga KaDribol, na unang koponan na napagwagian ang serye, matapos na malubog sa 3-0 na kalamangan ng kalaban?

Ilan lang iyan sa mga katanungan na ating aabangan sa Game 4, na magagap sa darating na Martes, May 23, 8:30 ng umaga, Pinas time.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.