"Isang mapanganib na koponan ang Warriors," paala-ala ni LeBron James.
Talaga namang napaghandaan ng Los Angeles Lakers ang Game 3 ng kanilang serye laban sa Golden State Warriors, mga KaDribol.
Naunahan ng Lakers ang Warriors sa pagsisimula ng laban, pero nagawa naman ng Warriors na makabawi sa ilang bahagi ng first half.
Subali't hindi basta nagpapigil na lang ang Lakers at tinambakan na nga nila ang Warriors sa second half, at nagtapos ang laban na panalo ang Lakers sa score na 127-97.
Ngayon, mga KaDribol, lamang na ang Lakers sa kanilang serye, 2-1, at ang Game 4 ay muling magaganap sa balwarte ng Lakers, sa Crypto.com Arena.
Nasa maganda nang posisyon ngayon ang Lakers, dahil mataas ang tyansa na makuha nga nila ang 3-1 na kalamangan sa Warriors, pero si LeBron James ay may muling ipinaala-ala sa kaniyang mga kakampi, na sila ay hindi pa pupwedeng magpahinga na sa ngayon.
Huwag daw silang maging komportable sa kanilang kalamangan sa serye, dahil may kakayahan daw ang Warriors na makabalik.
May kakayahan daw ng Warriors na manalo ng tatlong magkakasunod, mga KaDribol, iyan daw ang dapat na isipin nila upang hindi sila maging komportable sa serye.
Kailangan din daw nilang palaging isipin na ang Warriors ay isang mapanganib na koponan, isang dahilan kaya hindi raw pupwedeng maging komportable na lamang sila kapag nakaharap na nila sila sa laban.
Ilang beses na nga na nalagay sa ganitong posisyon itong si LeBron sa mga nagdaan, at alam na alam na niya kung papaanong isasara ang isang serye.
Ilang beses na rin na nakalaban ni LeBron si Steph Curry sa postseason, mga KaDribol, kaya alam na niya kung gaano kapanganib talaga ang koponan ng Warriors.
Napakapalad ng Lakers at meron silang isang leader na gaya ni LeBron sa ganitong punto ng season, dahil hindi niya hahayaan na ang kanilang koponan ay maging komportable na lamang sa kanilang kalamangan sa serye.
Ika nga, ang trabaho ay hindi pa tapos hanggang ito ay tapos na.
Comments
Post a Comment