Injury status ni Joel Embiid para sa Game 3 ng laban nila sa Celtics hindi ikatutuwa ng kanilang mga fans.
Dumating na nga ang pinakahihintay na pagbabalik ni Joel Embiid sa laro n'ung Huwebes sa Game 2 ng serye sa ikalawang round ng Philadephia 76ers at ng Boston Celtics.
Eksakto na sana ang pagbalik ng bagong MVP sa paglalaro lalo na at sila ay nauna na sa serye, 1-0, subali't ang kaniyang pagbalik ay walang naging epekto, dahil sila ay tinalo ng Celtics sa Game 2 sa score na 121-87.
Ang magandang balita para sa Sixers, ang serye ay malilipat na sa kanilang tahanan para sa Game 3 at 4, pero ang hindi magandang balita, baka hindi na naman makapaglaro si Embiid dahil sa injury niya sa tuhod.
Sa ngayon, ang kalagayan ni Embiid para sa Game 3 sa Sabado ay hindi pa masabi, dahil inilista nila ang kanilang superstar big man bilang questionable dahil sa kaniyang right knee sprain.
Ito ay ang injury kung saan nagdala sa kaniya upang hindi siya makapaglaro sa Game 1, at dapat ngang ipag-alala ito, dahil matapos na siya ay nakapaglaro na sa Game 2, ngayon ay inilista na naman siya bilang questionable para sa susunod nilang laban.
Ang mga fans nga ng Sixers ay umaasa na ang pakakalista kay Embiid bilang questionable ay parte lamang ng pag-iingat sa kaniya, at sila ay umaasa na siya ay makakapaglaro pa rin sa Sabado para sa Game 3.
Bukod kay Embiid, wala nang iba pang manlalaro ang Sixers na nailagay sa kanilang injury report, kaya magandang balita pa rin ito para sa Sixers.
Samantalang sa Celtics, si Danilo Gallinari pa rin ang nakalista sa kanilang injury report bilang out, at siya nga ay hindi pa nakapaglaro ngayong season dahil sa kaniyang ACL injury, at hindi siya naging parte ng alinmang games na inilaro ng Boston ngayong taon.
Sa Game 2, ang nanguna sa scoring para sa Boston Celtics ay si Jaylen Brown na may 25 points, 3 rebounds at 4 assists, na sinundan ni Malcolm Brogdon na may 23 points, 6 rebounds at 2 assists.
Sina Marcus Smart at Derrick White ay kapuwa may tig-15 points, 5 rebounds at 2 assists kay Smart at 1 rebound at 1 assist naman kay White.
Si Grant Williams ay may 12 points, 4 rebounds at 4 assist, at si Payton Pritchard ay may 8 points, 2 rebounds at 3 assist.
Si Jayson Tatum ay may 7 points, 7 rebounds at 3 assist, si Luke Kornet ay may 6 points at 4 rebounds, at si Mike Muscala ay may 3 points at 1 assist.
Samantalang sa Sixers, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si Joel Embiid na may 15 points at 3 rebounds, na sinundan ni Tobias Harris na may 16 points at 7 rebounds.
Si Tyrese Maxey ay may 13 points, 3 rebounds at 3 assists, at si James Harden ay may 12 points, 10 rebounds at 4 assists,
Si Paul Reed ay may 6 points, 8 rebounds at 2 assists, at si PJ Tucker ay may 5 points at 4 rebounds.
Si Shake Milton ay may 4 points, 1 rebound at 2 assists, ni si Furkan Korkmaz ay may 2 points, at si Dewayne Dedmon ay may 1 rebound.
Sina Jalen McDaniels, Danuel House Jr., Georges Niang at Jaden Springer ay pare-parehong may tig-3 points, at si McDaniels at House ay may tig-1 rebound din na naambag.
Ang Game 3 sa laban ng Celtics at Sixers ay magaganap sa Sabado, May 6, ika-pito't kalahati ng umaga, Pinas time.
Comments
Post a Comment