Hindi raw mapapatawad ni Stephen Curry si Lonnie Walker IV dahil dito.



Muli na naman ngang nagpamalas ng magandang paglalaro para sa Los Angeles Lakers itong si Lonnie Walker IV n'ung Sabado, mga KaDribol, sa Game 6 ng serye nila laban sa Golden State Warriors, kung saan sila ang nanalo.

Mula sa bench, si Walker ay umiskor ng 13 points sa loob ng 14 minutes na paglalaro, at natulungan niya ang Lakers na tapusin na sina Stephen Curry at ang Warriors.

Pero ang inilaro ni Walker sa Game 6 ay hindi iyon ang pinakamagaling niyang nailaro sa serye nilang iyon, kundi ang inilaro niya n'ung Game 4, kung saan siya ay pumuntos ng 15 points sa fourth quarter.


At dahil sa magandang inilaro na iyon ni Walker, mga KaDribol, nakasigurado ng panalo ang Lakers sa kanilang tahanan, at nakakuha ng magandang kalamangan sa serye na 3-1.

At dahil doon, hindi raw agad mapapatawad ni Steph Curry itong si Walker dahil sa naging magandang paglalaro niya n'ung Game 4.

Nagpadala pa nga itong si Curry ng mensahe kay Walker bilang kaniyang pinakaregalo sa nagawa nito sa kanilang serye.


At ito ang isinulat ni Curry sa likurang bahagi ng kaniyang jersey, mga KaDribol, “To Lonnie, Keep building! All love! Will never forgive you for Game 4… !”

Siguro para sa mga fans ng Lakers, isang nakakatuwang bagay ang mensaheng iyon ni Curry, pero para sa mga fans siguro ng Warriors, ramdam din nila ang sakit na naramdaman ni Curry, habang napapanood si Walker na naipapasok niya ang sunod-sunod niyang mga tira n'ung 4th quarter n'ung Game 4.

Napakaimportante ng naging paglalaro na iyon ni Walker sa Game 4 sa buong serye, dahil kung hindi dahil doon, baka naitabla ng Warriors ang serye sa 2-2 at napakalaking bagay sana iyon para sa Warriors.


Kaya siguro nasabi ni Steph na hindi niya agad niya mapapatawad itong si Walker, mga KaDribol, dahil alam ni Curry na malaki ang nagawa n'un upang mabago ang naging kalagayan nila sa serye.

Ano ang nasasabi niyo dito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.