Hindi namin tinuturuan ng flopping ang aming mga players, sagot ni Darvin Ham kay Steve Kerr.



Sa isang seven-game series, ang bawa't koponan ay tiyak na mapapansin ang mga nakakainis na pag-uugali ng kanilang mga kalaban, mga KaDribol.

At ganito nga ang nagyayari kay Steve Kerr at sa Golden State Warriors sa kanilang ikalawang round ng tapatan sa playoffs laban sa Los Angeles Lakers.

Dahil habang itong si Kerr ay nasa diwa pa ng panghihinayang dahil napalagpas nila ang pagkakataon n'ung Game 4, sinabi niya na inaartehan daw ng Lakers ang mga contact sa kanila, kaya naman daw ang mga referees ay napupwersang pumito at tumawag ng ilang illegal screens laban sa Warriors ng paulit-ulit.


At gaya ng inaasahan, mga KaDribol, ang head coach ng Lakers na si Darvin Ham, gaya ng kaniyang mga players, ay may isinagot sa akusasyon na iyon ni Steve Kerr.

N'ung tinanong itong si Ham patungkol sa hindi itinawag na foul sa pag-atake ni Dennis Schroder sa basket sa isang bahagi ng game, pinatamaan ni Ham si Kerr patungkol sa ginagawa raw na mga floppings ng Lakers.

Hindi raw tinuturuan nina Darvin Ham ng flopping ang kanilang mga players, ang tinuturo raw nila ay ang maglaro sa loob ang kanilang mga players, atakihin ang loob at pwersahin ang loob.


Pero sino ba naman ang aamin na tinuturuan nga nila ang kanilang mga players na mag-flop, mga KaDribol? Wala naman siguro.

Pero hindi ko naman sinasabi na tinuturuan nga ng Lakers ang kanilang mga players na artehan ang lahat ng pisikal na banggaang natatanggap nila, pero nakikita naman na natin na naging parte na nga iyon ng klase ng paglalaro ngayon, matagal na.

Gaya nga ng sabi ng matatanda, "Huwag mong kainisan ang manlalaro, kundi ang kainisan mo ay ang laro."


Gayunpaman, mga KaDribol, medyo kabalintunaan din sa panig ng Warriors ang mga bagay na inirereklamo ni Steve Kerr patungkol sa mga ilegal screens na itinatawag sa kanila.

Dahil halos sa kabuoan ng dynasty ng Warriors sa walong taon, nakinabang naman ng husto sina Stephen Curry at Klay Thompson ng maraming beses sa mga moving screens.

Kaya naman nagkaroon na ng bagong rules sa mga moving screens mula noon, at tinatawagan na ito ng mga refs sa makabagong paraan.


Pero sa pagtatapos ng araw, mga KaDribol, ang kailangang ituro ni Darvin Ham sa kaniyang mga players ay kung papaano maisasara na ang serye laban sa Warriors, dahil ang Warriors ay hindi papayag na basta na lang malaglag.

Kaya kailangang gawin na ng Lakers ang lahat nilang magagawa upang maselyahan na ang isang ito sa harapan ng kanilang home crowd sa Sabado,  May 13, ika-sampu ng umaga, Pinas time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.