Game 6 Klay hindi naramdaman sa naging laban ng Warriors sa Lakers sa Game 6 kaya sila ay natalo.



Marami nga sa mga fans ng Golden State Warriors ang umasa na madadala pa ng Warriors ang serye hanggang sa final game nito sa Game 7, mga idol, lalo na at nasa kanila pa rin ang kanilang Big 3 na sina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green.

Lalo na at itong si Klay ay napatunayan na sa mga nagdaan na kaya niyang biglang pumutok sa game para sa Warriors, sa isang mahalagang sandali na kinakailangan siya ng kanilang koponan.

Pero sa Game 6 ng laban nila sa Los Angeles Lakers, hindi nagawa iyon ni Klay, dahil sa first quarter palang ay nahirapan na siyang pumuntos.


Sumablay ang unang tatlong itinira niya, mga idol, at nagtapos lamang siya na may 3 points sa unang quarter, sa kaniyang 1-of-8 shooting mula sa field.

Hindi nga nakuha ni Klay ang kaniyang tira, at karamihan sa mga tira niya ay kulang, mahina o kapos, kaya naman, ang Game 6 Klay ay hindi talaga nasilayan sa game na iyon.

Nagtapos si Klay sa game na mayroon lamang  3-for-19 shooting mula sa field at 2-for-12 naman mula sa tres, at natalo nga ang Warriors sa Lakers sa score na 122-101.


At dahil dito, mga idol, kahit na ba na naging instrumental naman si Klay sa mga naging tagumpay ng Warriors sa nakalipas na dekada, hindi pa rin siya nakaligtas sa mga pagbatikos, matapos na mapanood ang naging paglalaro niya sa Game 6.

Hindi nga naging mabait ang mga fans kay Klay sa Twitter, dahil sa lahat daw ng games na inilaro ng Warriors, dito pa nagpakita si Klay ng pinakamalala niyang pagpupursige sa kaniyang career, kung kailan daw malaki ang nakataya para sa kanila.

Naibaba naman ng Warriors ang kalamangan ng Lakers sa 11 points n'ung fourth quarter, at sa taglay na mga talento na meron ang roster ng Warriors, may kakayahan talaga sila na makabalik sa laro.


Ang kaso nga lang, mga idol, ang mga tira ni Klay ay patuloy na nagsisipagsablay, kaya sa postensiyal na pagbalik sana nila sa game, si Klay ay isa sa naging missing piece nila, kaya hindi na nila nagawang makabalik pa.

Inasahan din nga ni Head coach Steve Kerr na gagana si Klay sa game, pero nagkamali siya, dahil wala talagang naging epekto itong si Klay sa game.

Ngayon na tapos na ang Warriors sa season ng 2022-2023, wala pang kasiguraduhan kung itong si Klay ay mananatili pa rin sa kanila para sa susunod na season.


Maraming malalaking desisyon ang kahaharapin ng Warriors sa pagpasok ng offseason, mga idol, at isa na nga rito ay ang max contract extension ni Jordan Poole na magsisimula na nga, kaya abangan na lang natin kung panahon na ba na mag-rebuild na ang Warriors, o okay pa rin ba manatili pa rin sila sa dati.

Pero kung kayo ang tatanungin, mga idol, panahon na nga ba na magrebuild na ang Warriors o hindi pa?

Ano sa tingin ninyo?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.