Fans ng Lakers na dismaya kay Anthony Davis sa Game 2 laban sa Warriors.



Napakaganda nga ng inilaro ni Anthony Davis n'ung Game 1 laban sa Golden State Warriors, mga KaDribol, kung saan sila ang nakakuha ng panalo.

Siya ay nagkaroon ng 30 points at 23 rebounds, at ang kaniyang depensa ay ramdam sa game na iyon, na ang Warriors ay nag-aalangan na ngang pumasok sa loob ng paint.

Kapag si Davis ay palaging maglalaro, gaya ng inilaro niya n'ung Game 1, mahihirapan talaga ang Warriors sa serye nila, kaso nga lang, nitong Game 2, napigilan ng Warriors si Davis.


Habang si Kevon Looney ay may dinaramdam na karamdaman, mga KaDribol, inilagay ng Warriors si Draymond Green na humarap kay Davis, at gumana iyon para sa Warriors.

Nagawa ng Warriors na magkaroon lamang si Davis ng 11 points at 7 rebounds, na may 5-for-11 shooting lamang sa field.

Kapag maganda ang inilalaro ni Davis, malaki talaga ang nagagawa niyang pagbabago sa game sa magkabilang dulo, pero kapag nag-iistrugle naman siya, talaga namang bagsak ang abot niya, gaya nalang ng nangyari sa kaniya nitong Game 2.


Kaya naman ang mga fans ng Lakers ay dismayado na, mga KaDribol, dahil sa hindi tuloy-tuloy na magandang paglalaro ni Davis, at ipinagtataka nila kung bakit na ang isang gaya ni Davis na isang talentadong manlalaro ay hindi kayang maglaro ng maganda ng sunod-sunod.

Nagmumukha tuloy na kahinaan na ni Davis ang Game 2, dahil n'ung laban nila sa Memphis Grizzlies sa unang round, dinaig naman siya n'on ni Xavier Tillman Sr.

Gayun pa man, may ilan naman na fans ng Lakers na hindi naman basta hinusguhan na lang si Davis, dahil hindi lang naman si Davis ang nag-struggled buong game, maging ang buong team sa kabuoan ay hindi rin maganda ang naipakitang paglalaro.


May ilan pa nga sa kanila na binigyang kredito ang magaling na pagdepensang ipinamalas ni Draymond Green laban sa Lakers, mga KaDribol.

Bagaman na si Green ay may taas lamang na 6'6, pero ang kakayahan niya na magamit ang kaniyang wingspan na 7'1, kasama ang kaniyang husay sa pagdepensa, ang talaga namang nagpahirap ng todo kay Davis na umiskor ng malaki sa game.

Ngayon ang malaking katanungan ay, papaano kaya mag-aadjust ang Lakers sa ginawang taktika ng Warriors sa kanila sa Game 2?


At sa Game 3 na magaganap sa darating na Linggo, May 7, sa oras ng ika-walo't kalahati ng umaga, Pinas time, mga KaDribol, kailangan nang magawa ng Lakers na mahanapan ng madadaling tira si Davis, dahil hindi na pupwede na magkaroon muli siya ng pangit na paglalaro, gaya ng inilaro niya sa Game 2.

Sa Lakers, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si LeBron James na may 23 points, 7 rebounds at 3 assists, na sinundan ni Rui Hachimura na may 21 points at 5 rebounds.

Si Anthony Davis ay may 11 points, 7 rebounds at 4 assists, at si D'Angelo Russell ay may 10 points, 1 rebound at 8 assists.


Si Lonnie Walker lV ay may 9 points at 1 assist, at si Austin Reaves ay may 7 points, 4 rebounds at 2 assists.

Si Jarred Vanderbilt ay may 6 points, 6 rebounds at 1 assist, at si Tristan Thompson ay may 5 points, 4 rebounds at 2 assists.

Si Dennis Schroder ay may 4 points, 3 rebounds at 2 assists, at sina Malik Beasley at Max Christie ay kapuwa may tig-2 points at 1 rebound.


Si Shaquille Harrison ay kay 1 rebound at 1 assist, at si Troy Brown Jr. ay may 3 assist.

Samantalang sa Warriors, sila ay pinangunahan ni Klay Thompson sa scoring, na may 30 points, 3 rebounds at 1 assist, na sinundan ni Stephen Curry na may 20 points, 4 rebounds at 12 assists.

Si JaMychal Green ay may 15 points,1 rebound at 2 assists, at si  Moses Moody ay may 10 points, 7 rebounds at 2 assists.


Sina Draymond Green at Andrew Wiggins ay kapuwa may tig-11 points, 11 rebounds at 9 assists kay Green at  4 rebounds at 4 assists kay Wiggins.

Si Donte DiVincenzo ay may 8 points, 4 rebounds at 4 assists, at si Gary Payton ll ay may 7 points at 5 rebounds.

Sina Jordan Poole at Kevon Looney ay kapuwa may tig-6 points, 4 rebounds at 3 assists kay Poole at 8 rebounds kay Looney.


Si Jonathan Kuminga ay may 3 points, 2 rebounds at 1 assist, at si Anthony Lamb ay may 2 rebounds.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.