Dwyane Wade binati si Jimmy Butler matapos na manalo ang Heat sa Game 1 laban sa Knicks.



Nakuha nga ng Miami Heat ang panalo sa Game 1 ng kanilang serye laban sa New York Knicks, at si Miami Heat legend Dwyane Wade ay binati si Jimmy Butler sa isang nakakatuwang paraan, pagkatapos ng panalo nilang iyon.

Nilapitan ni Wade si Butler at tinanong ni Wade kay Butler kung pwede raw ba siya na makahingi ng autograph.

Si Jimmy Butler ay umiskor ng 25 points at nakakuha ng 11 rebounds, at nakapagbigay ng 4 assists sa panalo nilang iyon sa Game 1, na sinundan ni Gabe Vincent na may 20 points, 2 rebounds at 5 assists.


Si Kyle Lowry ay nagtapos na may 18 points, 5 rebounds at 6 assists, at si Bam Adebayo naman ay may 16 points, 8 rebounds at 2 assists.

Sina Kevin Love at Caleb Martin ay kapuwa nakapag-ambag ng tig-9 points, 5 rebounds at 4 assists kay Love at 5 rebounds at 1 assist naman kay Martin.

Si Max Strus ay may 8 points, 2 rebounds at 3 assists, at si Haywood Highsmith ay may 2 points.


Si Cody Zeller ay may 1 point at 1 rebound at si Duncan Robinson ay may 1 assist.

Samantalang sa New York Knicks naman, si RJ Barrett ang nanguna sa kanila sa scoring, na siya ay nagtapos na may 26 points, 9 rebounds at 7 assists, na sinundan ni Jalen Brunson na may 25 points, 5 rebounds at 7 assists.

Si Obi Toppin ay may 18 points at 8 rebounds, at si Josh Hart ay may 10 points, 8 rebounds at 4 assists.


Si Immanuel Quickley ay may 9 points, 2 rebounds at 1 assist,  at si Mitchell Robinson ay may 7 points at 14 rebounds.

Si Quentin Grimes ay may 4 points, at si Isaiah Hartenstein ay may 2 points, 2 rebounds at 1 assist.

Sa 4th quarter, natapilok itong si Butler nang siya ay sumalaksak at nagkabanggaan sila ni Josh Hart, pero sa kabila ng pangayayring iyon, nanatili pa rin siya sa game, pero naging limitado na lamang ang kaniyang pagkilos.


Maganda ang naging depensa at opensa ng Heat, kaya naman nakuha nila ang unang panalo sa Game 1 laban sa Knicks, at ang manalo sa unang laban, lalo na at ito ay nagawa nila sa labas ng kanilang tahanan ay isang napakalaking bagay.

Dahil mababawasan na ang pressure sa Heat sa Game 2, at mataas ang posibilidad na makuha din nila ang ikalawang panalo nila sa serye sa Madison Square Garden.

At kung matalo naman sila sa Game 2, babalik naman sila sa kanilang tahanan na may hawak na kartada na 1-1 sa serye.


Ngayon, abangan na lang natin kung ano ang ilalabas ng injury report ng magkabilang koponan, lalo na at kapuwa sina Butler at Julius Randle ay parehong may ankle injuries na.

Hindi nga nakapaglaro itong si Julius Randle sa Game 1, pero siya ay inaasahan na maglalaro na sa Game 2 sa darating na Miyerkules.

Ngayon, ang tanging aalalahanin ng Miami ay ang injury ni Butler, na sana ay hindi iyon maging dahilan upang hindi siya makapaglaro sa Game 2.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.