Draymond Green nawalan na ng pagrespeto kay Domantas Sabonis dahil sa ginawa nito n'ung Game 7.



Naging laman na nga ng balita itong si Domantas Sabonis ng Sacramento Kings, mga idol, matapos na sila ay tapusin na ng Golden State Warriors sa Game 7 n'ung Lunes.

Lalo na ng ipinahayag ni Draymond Green ang ginawa ni Sabonis na hindi pakikipagkamay sa kanila pagkatapos ng laban nilang iyon sa Game 7.

Ayon kay Green, nawala raw ang pagrespeto niya kay Sabonis, nang tumanggi ito na i-congratulate ang Warriors matapos ng pagkatalo ng kanilang koponan.


At ang pangyayaring ito ay sinagot na ni Sabonis, mga idol, nang siya ay natanong ng mga reporters kung ano ang sagot niya sa sinabi na iyon ni Green, at ang sagot ni Sabonis ay, "I don't know how to respond."

N'ung una, sinubukan pang sagutin ni Sabonis ang tanong, pero bigla siyang kumambiyo at sinabi na hindi niya alam ang isasagot doon, alam siguro niya sa sarili niya na wala siyang pupuntahang maganda kahit na ano pa ang isagot niya patungkol doon.

Naisip na siguro ni Sabonis na hindi talaga tama ang ginawa niya na hindi pagbibigay respeto sa naging panalo na iyon ng Warriors sa Game 7.


Nangyari na ang hindi sana nangyari at wala nang magagawa pa doon si Sabonis, mga idol, at hindi na rin naman na niya maibabalik pa iyon upang itama ang nagawa niyang pagkakamali, kaya sana ay natuto na siya sa kaniyang nagawa.

Masakit ang naging pagkatalo na iyon ng Sacramento, kaya siguro dinamdam talaga ng husto iyon ni Sabonis, kaya siya nakapagdesisyon na umalis na lang na hindi man lang nagpakita ng pagtanggap sa naging panalong iyon ng Warriors.

Pero pagpapakita talaga iyon ng kawalan ng sportmanship sa game, at sana ay hindi na uli gawin iyon ni Sabonis, kung mangyari man muli iyon sa kaniya.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.