Draymond Green nagsalita patungkol sa paghaharap nila ni LeBron James sa ikalawang round ng playoffs.
Next step na nga para sa koponan ng Los Angeles Lakers at ng Golden State Warrios, mga KaDribol, matapos na talunin ng Lakers ang Memphis Grizzlies sa Game 6, at tapusin naman ng Warrios ang Sacramento Kings sa Game 7, ngayon, sila naman ang maghaharap sa susunod na round.
Ngayon pa lang ay tinitignan na ang paghaharap ng dalawang magkaibigan, si LeBron James at si Draymond Green, kaya naman si Green ay may sinabi na patungkol dito, na aniya, sa ngayon, gusto muna niyang namnamin ang naging panalo nila sa Kings.
Pero alam naman daw ni Green kung gaano magiging ka-espesyal ang magiging tapatan nila ni LeBron, lalo na sa malakas na grupo ngayon ng Lakers, kaya si Green ay hindi raw magpapabaya.
Hindi raw muna nila susubukan ilipat ang pahina ng kaybilis, at ganoon din daw kay LeBron, mga KaDribol, huwag daw padadala kung anomang susunod para sa kanila na hindi ina-appreciate ang nauna, para raw sa kanila, ia-appreciate raw nila ang lahat ng iyon, sa lahat nilang paghakbang sa kanilang mga pagdadaanan.
Alam naman na natin, na may magandang relasyon bilang magkaibigan itong sina LeBron at Green sa labas ng court, at may pagrespeto sila sa isa't-isa, pero pagdating sa loob ng court, handa silang dalawa na magtagisan ng kanilang mga angking talento at kahusayan.
At asahan na natin iyon, na ibibigay nila pareho ang lahat nilang makakaya, magawa lang nila na madala ang kani-kanilang koponan sa ikatlong round.
Lakers laban sa Warriors, mga KaDribol, isang kapana-panabik na laban, sino kaya ang mananaig, at sino ang madadaig, kaya mga fans ng Lakers at mga fans ng Warriors, halina kayo at mag-ingay na.
Comments
Post a Comment